PANGASINAN – DEAD on arrival sa pagamutan ang isang church minister samantalang sugatan ang dalawang kasama nito matapos na mahulog sa irrigation channel ang kanilang sinasakyang pick-up truck sa Brgy. Lobong, sa bayan ng San Jacinto sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawing alagad ng simbahan na si Elmer Joson Cavanit, 51-anyos, residente ng Parañaque City.
Habang ang dalawang kasama na kapwa nilalapatan ng lunas ay nakilalang sina Yvander Raros Cavanit, 22-anyos, at Aileen Domiguez Cavanit, 47-anyos.
Isa umanong self-implicit accident ang nangyari ayon sa San Jacinto Municipal Police station kung saan ang mga biktima ng Ford Ranger pick-up truck na minamaneho ni Yvander kasama si Aileen nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela at sumadsad ito sa tambak na graba at buhangin malapit sa tulay na nagtuloy tuloy sa irrigation canal.
Nagawang maitakbo agad ang tatlong biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay na nang idating si Elmer.
Ayon sa mga awtoridad naganap ang sakuna bandang alas-3 ng madaling-araw habang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng provincial road nang masagasaan ang nakatambak na gravel and sand sa sirang bahagi ng tulay na naging dahilan ng kawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa mahulog sa irrigation channel.
VERLIN RUIZ