AGUSAN DEL SUR – SINALUBONG ni kamatayan ang outing ng pito katao makaraang mabangga ng pick-up ang sinasakyan nilang trike sa kahabaan ng National Highway sa Purok 6, Brgy. Patinay, bayan ng Prosperidad, kahapon ng umaga.
Sa imbestigasiyon ng pulisya, magkakasama ang pamilya Hular at Dahili nang maganap ang trahedya kung saan dalawang bata naman ang nakaligtas.
Naganap ang aksidente bandang alas-9 ng umaga kung saan lulan ng tricycle ang siyam katao na maliligo sana sa dagat, habang papuntang Davao City naman ang kasalubong na pickup na bumangga sa kanila.
Napadako umano ang pick-up sa lane ng trike kaya nabangga ang mga ito kung saan inararo ng pick up ang tricycle hanggang sa napunta ang mga ito sa ibabang bahagi ng kalsada.
Wala pang pagkakakilanlan ang mga namatay habang dinala naman sa ospital ang dalawang nasugatan. MHAR BASCO
Comments are closed.