NANANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko na huwag munang dumagsa at tumambay sa mga pier, gaya sa Manila North Port Passenger Terminal kasunod na rin ng umiiral na moratorium sa repatriation o pagpapauwi ng mga locally stranded individuals (LSIs).
Alinsunod sa utos ng Inter-Agency Task Force o IATF ang naturang moratorium kung saan pansamantala pa ring suspendido ang biyahe ng mga pampasaherong sasakyang pandagat patungo sa mga lugar na tinukoy ng pamahalaan ng siyang mga high-risk areas.
Kabilang dito ang Region 6, mula June 28 hanggang July 12 – Cebu at Mactan Islands, mula June 21 until further notice – Region 8, mula June 25 hanggang July 9 – Camiguin Province, mula July 1 hanggang July 16 – Basilan, mula July 1 hanggang July 16 .
Pinayuhan naman ng PPA ang publiko lalo na ang mga LSI na ipagpaliban na muna ang pagpunta sa mga pier upang hindi sila ma-stranded at lalong mahirapan.
Dahil dito, ipinapayo ng PPA na ipagpaliban muna ng mga LSI ang pagtungo sa mga pantalan upang hindi sila ma-stranded muli o mahirapan.
Ayon sa PPA, humigit kumulang sa 300 LSIs ang dumagsa kahapon sa North Harbor at naghihintay na makabiyahe. PAUL ROLDAN
Comments are closed.