ISANG Filipino-Chinese ang sugatan nang masunog ang isang bahagi ng New Port Area Commercial Complex sa Port Area sa Maynila kahapon ng madaling araw noong Sabado.
Kinilala ng Manila Fire District ang biktima na si Luis Yu na nagtamo ng paso sa kamay at katawan.
Nasa anim na puwesto sa nasabing gusali ang nasunog kabilang ang stalls ng mga surplus appliances gaya ng tv, refrigerator, washing machines at air condition unit.
Umabot sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.