PIGILIN ANG PROVINCIAL BUS BAN SA EDSA

PROVINCIAL BUS

NAGSAMPA  ng petis­yon sa Korte Suprema  ang AKO Bicol party­list  na humihiling na pigilin ang pagbabawal ng mga provincial bus sa  EDSA.

Sa kanilang petis­yon,  kinontra ng AKO Bicol  na labag sa batas ang  decision ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawiin ang  business permits ng  bus terminals sa EDSA.

Ayon sa grupo, ang decision ng  MMDA  na inisyu kamakailan sa pamamagitan ng Regulation No. 19-002 –  ay kahalintulad  din ng paggamit ng police power, na hindi naman umano taglay ng ahensiya.

“There is no single word or syllables in [Republic Act] No. 7924 (the law that created the MMDA) that grants respondent MMDA police power, let alone legislative power,”  pahayag ng AKO Bicol sa kanilang petisyon.

Ang pagpapasara umano sa provincial bus terminals ay magiging taliwas sa  Public Service Act at iba pang kahalintulad na ba-tas.

Ayon pa kay AKO Bicol Representative Alfredo Garbin Jr.  sa halip na pagaanin ang  dalahin ng mga pasahero, magdudulot ito ng malaking abala sa mga pasahero mula sa mga probinsya.

Ganap nang ipatutupad ng MMDA sa Hunyo ang  pagpapatigil sa provincial buses sa pagdaan sa EDSA at ang kanilang biyahe ay hanggang sa integrated terminals sa Valenzuela City, Parañaque City, and Sta Rosa City, Laguna.

Binigyang katwiran ng AKO Bicol  na ang city buses at pribadong sasakyan at hindi provincial buses,  ang  dahilan  ng  pagsisikip ng trapiko sa EDSA.

Comments are closed.