“PIHD-DRAW” SA GATEWAY GALLERY

NAGING matagumpay ang pagbubukas ng ika-11 one man exhibit ng alagad ng sining na si Pete Velasquez sa Gateway Gallery sa Cubao, Quezon City.

Dinaluhan ng mga kaibigan, kasama ang bandang Asin, mga kapamilya, estudyante, kapwa artists at mga kolektor ang “Pihd Draw”.

Tampok sa kanyang eksibit ang on-the spot drawing at paintings sa mga senaryo sa Marikina Riverbank, at ang pamosong dalagang Pilipina na may mga klasikong pangalan tulad ng Paraluman, Marilag, Mariposa at iba pa.

Bago nabuo ang konsepto ng eksibit ay tila naglilibang lamang si Velasquez sa pag-iikot sa Marikina Riverbank lulan ng kanyang paboritong Vespa scooter kung saan gumuguhit ito at nagpipinta nang tila walang kapaguran gamit ang acrylic, pastel at permanent ink.

Magtatagal ang eksibit hanggang Disyembre 4. SUSAN CAMBRI