HINAMON kami ng Solidarity in Performance Art (SIPA) para itanghal ang alaala’t katawan.
Pilat ang tema!
Paano ipagdiriwang ang ikawalong pista?
Una, nag-umpisa ito sa Bacolod, De La Salle University Lipa; Escalante, Negros Occidental; at Polytechnic University of the Philippines (PUP) noong 13-21 Setyembre 2016.
Ikalawa, sa Letran Calamba, Miriam College, 98B Escolta, Philippine High School for the Arts, PUP, Philippine Women’s University, at University of the Philippines Los Baños, noong 11-20 Setyembre 2017.
Ikatlo, sa Angeles, Pampanga; Miriam, PUP, at PWU noong 12-22 Setyembre 2018.
Ikaapat, sa Angono, Rizal; PUP, San Fernando, Pampanga; at UP Vargas Museum noong 16-26 Setyembre 2019 kung kailan ating nilingon ang kasaysayan ng performance art sa Filipinas sa Hasmin Hostel.
(Solidarity and Peace ang pinapaksa ng SIPA magpahanggang magka-pandemya — kaya, sa ganang-amin, Expressive Arts Therapy ang pagsali — kasi naka-quarantine kami.)
Ikalima, sa kani-kaniyang tahanan kami subalit nagawa naming magtanghal kahit sunod-sunod ang #Ekinoks (20 Marso 2020), #Igpaw (18 Abril 2020), at Maayo Uno! (1 Mayo 2020).
Ikaanim, ang PagGanap noong 11-21 Setyembre 2021 ay remote din — akmang-akmang sa anyo’t nilalaman ng Performatura Pandemic Edition o PPE – kaya angkop ang kababayan nating sina Rogger Basco, Concerned Artists of the Philippines, Nerisa Guevara, Sarina Narida, Ronadae Ruiz, J.A. Sarmogenes, Opaline Santos, Rosa Zerrudo, PUP Bagong Himig Serenata, PUP Performance Collective, PUP Sining Lahi Polyrepertory at ang banyagang sina Mok Augustine (Hong Kong), Warattaya Chaisin (Thailand), Chaw Ei Thein (Myanmar/United States), Calum Eccleston (England), Inti Barrios Hernandez (Mexico), Andreas Hoffmann (Germany), Padungsak Kochsomrong (Thailand), Florence Lam (HongKong), Futoshi Moromizato (Japan), Maria Victoria Muñoz (Colombia), Mongkol Plienbangchang (Thailand), Juyoung Park (South Korea), Evamaria Schaller (Austria), Dimple B Shah (India), 69 Performance Club (Indonesia), Satadru Sova (India), Yadanar Win (Myanmar), at Yeon Jeong (South Korea).
Ikapito, ang Kaha/yahan noong 11-22 Agosto 2022 ay hybrid: may palabas sa UP Vargas at palihan sa CCP kung saan tayo nagturo sa Tanghalang Huseng Batute.
Ngayong 2023, nasa Ateneo de Manila University noong 25 Setyembre sina Rogger Basco, Ulap Chua, Gonzaga Dance Studio, Lorina Javier Manlapaz, Aze Ong, Mon Paulo Palaganas, Sam Penaso, at Boat Sutasinee (Thailand). Nasa UP Diliman noong 26 Setyembre sina Alaga, Jef Carnay, Boyet de Mesa, Fr. Jason Dy, Cris Fragata Gomez, Nerisa Guevara, Magiliw, Marikit, Mooncalf, at Futoshi Moronizato (Okinawa). Nasa Miriam College noong 27 Setyembre sina Istifen Artillero, Harold Gomez, Hermenigildo Pineda, J.A. Sarmogenes, at Makoto Maruma (Japan), Pinka Oktafia (Indonesia), at Stephan Perez (United States). Nasa University of the East Caloocan noong 28 Setyembre ang mga bisitang performance artist at sina Debs Bartolo, Dyan Corachea, at inyong abang lingkod.
Pansining ito ay pansining.
SIPA ay Sining Pandaigdigan.
Pero Sining Pampamilya rin.
Sapagkat pinatatakbo ito ng mag-asawang Boyet de Mesa at Rica de la Cruz.
At “kapatid” nilang sina Istifen Artillero, Rogger Basco, Ulap Chua, Dyan Corachea, Mark Gregory Isip, Lorina Javier Manlapaz, Serena Magiliw, David Oliveros, Aze Ong, Mon Paulo Palaganas, Maria Theresa Pamaong, Hermenigildo Pineda, Edwin Quinsayas, Lalaine Rebong, J.A. Sarmogenes, at Bely Ygot.
Gratis et amore pa.
Bakit kaya ito matagumpay?