Alahoy ! Salamat Oh Diyos
Sa aming pagbabalik…
Unti-unti nang naghihilom ang sugat,
Dulot ng Coronang-Tinik.
Ang iniwang mga Pilat nito
Malaki at Masakit…
Sa Tuwing nakikita ang Urna
Ng abo ng mga kaanak na yumao,nasawi.
Ang nakamamanghang salot na COVID-19,
Hindi lang naman pasakit ang iniwan sa atin.
Kundi “aral at pagmumulat” na rin…
Sa buhay ay walang ipagmamalaki, kapag ito ay binawi.
Natuto tayong magpahalaga sa Pamilya…
Tila nalimutan na natin dahil sa mga Barkada.
Ang Hapag kainan sa tahanan…
Muli nating napalibutan sa pagsasalo sa almusal…
Hangang sa hapunan.
Natimbang din natin ang “higit na bigat”…
Ang kalusugan mas Mahalaga sa Yamang makisap.
Aanhin mo ang palasyo, sasakyang pangarap…
Kung dahil sa COVID, Sa Hospital ka sumisinghap-singhap.
vvv
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa dwiz 882 am Radio)
Comments are closed.