APAT na kumpanya mula Bicol na nagpo-produce ng pili nuts ang nakatakdang humarap sa pandaigdigang entablado sa Salon International de l’Alimentation o SIAL, ang pangalawa sa pinakamalaki at pinakaprestihiyosong eksibisyon ng pagkain sa buong mundo na nakatuon sa inobasyon sa Paris sa France.
Ang limang araw na eksibit na magaganap mula Oktubre 19-23 ay magsisilbing plataporma para sa mga lider ng industriya at mga umuusbong na tatak upang mag-network, matuklasan ang mga uso at magpalitan ng kaalaman.
Samantala, inorganisa rin ang mga Trade at Business Missions sa Brussels at Belgium pati na rin ang mga pagbisita sa merkado sa The Hague sa Amsterdam sa Oktubre 24-25 at Oktubre 26, 2025.
Ang mga kumpanya ng pili nuts na lalahok sa international exhibit ay ang Pili Crush Enterprises; C.O.P. Pili Sweets and Pastries; Phenomenon Group, Inc., at The Rains Delicacies habang ang B2B Cosmetics & Hygiene Solutions, Inc., Isarog Beauty Botanics, at Organic Pili ay kasama sa grupo bilang mga tagamasid.
RUBEN FUENTES