MULA sa ordinaryong prodyuser hanggang maging processor, ang rubber farmers sa North Cotabato ay bahagi na ngayon ng isang value chain para sa gawang lokal na motorcycle tires.
Nasaksihan ng mga local rubber growers mula sa North Cotabato City ang pormal na paglulunsad kamakailan ng motorcycle tires, na may brand na Pilipinas Agila Tires sa Balindog Research and Experiment Station sa Kidapawan City.
Matatandaang noong 2017, inorganisa ng Department of Agriculture (DA) ang Philippine Rubber Farmers Cooperative (PFRC) para makaprodyus ng rubber raw materials na ipoproseso ng Leo Tire Manufacturing sa Valenzuela.
“This is the way to go. We cannot resolve the low prices of raw materials if we do not learn how to process. We should complete the market chain from production, processing, and marketing which is the concept of Pilipinas Agila Tires,” sabi ni Piñol.
Ang produksiyon ng 300×17 motorcycle tires na karaniwang ginagamit sa Habal-habal motorcycles ay madaragdagan.
Ang Habal-habal ay isang binagong bersiyon ng motorsiklong dinisenyo ng ilang pasahero o delivery para sa mga lugar na mahirap puntahan sa probinsiya. Ito ay isang potensiyal na merkado para sa mga rubber tires dahil ginagamit ito sa kalye araw-araw.
Ikinatuwa ng Habal-habal drivers na dumalo sa pormal na seremonya at nagalak sa mga gawang lokal na tires na malapit nang magkaroon sa kanilang probinsiya.
Sinabi ni Piñol na ang steady market at demand ay establisado, plano ng grupo na magprodyus ng mas malaking size ng tires para naman sa multi-cabs at pick-up trucks sa darating na panahon.
“Let us take things slowly and surely. We must ensure that a constant and steady market is made before we explore other ventures,” pagbibigay-diin ni Piñol sa pormal na seremonya.
Ang mga gulong ay idi-display sa mga motorcycle shop at gasoline stations sa buong probinsiya at ibebenta sa mababang presyo kompara sa mga kalaban nito.
“We will make sure that it will be better if not the same quality as the commercial tires available in the market,” ani Piñol.
Dalawang daang sample ng Pilipinas Agila Tires ang ipina-raffle sa nasabing okasyon. Ang mga nanalo ay magsisilbing product testers na magbibigay ng feedback sa tibay ng produkto at performance para sa anumang kailangang adjustments at modipikasyon ay magawa agad.
“This is the canvass of my dream for the Philippine agriculture where farmers are also the processors and marketers of their products, and free from the traders who dictate the prices of their produce,” dagdag ni Piñol. DA
Comments are closed.