PILIPINAS BIBILI NG P28-B WARSHIP SA SOUTH KOREA

UUMPISAHAN na ngayon ang proseso sa pagbili at paggawa ng dalawa pang barkong pandigma ng Philippine Navy matapos na pormal na lagdaan ng Department of National Defense (DND) ang P28 billion contract sa South Korean shipbuilder na Hyundai Heavy Industries (HHI) na siya ring gumawang dalawang bagong frigate ng Navy.

Ang kontrata para sa dalawang brand-new corvettes na may kakayahang magsagawa ng anti-ship, anti-submarine and anti-air warfare missions ay nilagdaan virtually ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at HHI representative Ka Sam Hyun, chief executive officer ng Korea Shipbuilding and Offshore Engineering.

Ayon kay Lorenzana, nagkakahalaga ng P28 billion ang kanilang pinirmahang kontrata sa Hyunda Heavy Industries ang shipbuilding giant ng South Korea.

“We are finally signing the contract, the last phase of the procurement process. For a total approved budget of PHP28 billion, this project will give the PN two modern corvettes that are capable of anti-ship, anti-submarine, and anti-air warfare missions, ” aniya.

Ayon sa kalihim posibleng ito na ang huling kontrata na kanyang lalagdaan para sa AFP modernization program sa ilalim Dutrete administration kasama ng contracts/ procurements para sa 32 brand new Blackhawks helicopters at anim na Offshore Patrol Vessel na nakatakdang lagdaan sa pagpasok ng bagong taon.

Nauna nang nakabili ang bansa ng dalawang dating US Coast Guard cutters at tatlong landing craft mula Australia gayundin ang coast guard patrol vessels mula Japan para mapaigting ang presensiya sa West Philippine Sea.

Kasama rin sa virtual sina Minister Kang Eun-Ho, na siya ring pinuno ng South Korea’s Defense Acquisition Program Administration at HHI president chief executive officer Chung Ki-Sun.

Sinaksihan ang nasabing pirmahan ng iba pang ranking DND, HHI, at
Armed Forces of the Philippines military officials kabilang si AFP chief Gen. Andres Centino at Navy flag officer in command Vice Admiral Adeluis Bordado.

And dalawang barko ay magsisibing backstop para sa dalawang bagong Jose Rizal –class guided missile frigate ng hukbong dagat ng PIlipinas.

At dahil ang dalawang parating na corvettes ay binili rin mula HHI, asahan na na magkakaroon ng commonality and interoperabilityang mga bagong barko.

“With a common shipbuilder for all our naval platforms, we expect ease of maintenance and repairs,” anang kalihim. VERLIN RUIZ