PILIPINAS BILANG PREMIER CRUISE DESTINATION

Sinabi ni Rachelle Lopez, President at CEO ng WMOC Group of Companies, maraming magagandang destinasyon sa Pilipinas ang dapat na ibida at hindi dapat masayang upang mapalago ang turismo sa bansa, kaya naman inaasahan na libong trabaho at oportunidad sa itinakdang Tourism and Maritime Careers Convention 2024 sa June 11 hanggang June 12, 2024 sa SMX Convention Center sa Pasay City.

IDARAOS sa June 11 hanggang June 12, 2024 sa SMX Convention Center sa Pasay City ang Tourism and Maritime Careers Convention na inaasahang magtatakda bilang premiere cruise destination ang Pilipinas.

Inaasahan din na lilikha ito ng libong trabaho sa mga Filipino at mga oportunidad sa mga seafarer.

Ayon sa organizer ng convention, sa pangunguna ni Rachelle Lopez, President at CEO ng WMOC Group of Companies,  maraming magagandang destinasyon sa Pilipinas ang  dapat na ibida at hindi dapat masayang upang mapalago ang turismo sa bansa

Layon nitong palakasin ang turismo ng Pilipinas at makasama sa top destination ng international cruise ship.

Ang bansa ay nagtataglay ng mahigit 7,100 isla at maraming magagandang destinasyon kaya nakahihinayang kung hindi ito mararating ng mga turista, mapa-lokal man o dayuhan.

“Once na magkaron ng regular voyage ang mga cruise liner natin sa Pilipinas is kasunod ‘nun job generating na talaga especially for seafarers, tourism and hospitality sector at local government unit na dadaungan ng cruise

Para naman maging matagumpay ang pagpapalakas sa cruise tourism, apila ni Lopez ay padaliin ang pagproseso ng dokumento ng arrival ng mga barko.

Target naman ng grupo ni Lopez na sa 2025 ay mailunsad na ang pagsisimula ng local cruise kaya umaasang magiging matagumpay ang ikinakasang Tourism and Maritime Careers Convention 2024.

Nitong Mayo 28, ay nagkaroon ng media launch at talakayan para sa magaganap na event kung saan dumalo ang iba’t ibang stakeholder, mga kinatawan ng MARINA at Department of Transportation at maging sina Zamboanga City 1st District Rep. Khymer Adan Olaso, OFW Partylist Rep Marissa “Del Mar” Magsino at maging si Fe Abling -Yu, general manager ng Alfer Travel and Tours.

Naging mabunga ang talakayan sa nasabing media launch kung saan ang host ay si TV host and beauty pageant title holder Cory Quirino.

EUNICE CELARIO