“THIS country will not lose one inch of it’s territory. We will continue to uphold our territorial integrity and sovereignty in accordance with our Constitution and with international law. We will work with our neighbors to secure the safety and security of our peoples”.
Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Philippine Mitary Academy Alumni Homecoming sa Baguio City.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag ilang araw matapos ang panunutok ng military-grade laser ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal noong Pebrero 6.
Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na tumataas ang tensyon sa rehiyon dahil sa agawan ng teritoryo.
“The country has seen heightened geopolitical tensions that do not conform to our ideals of peace and threaten the security and stability of the country, of the region, and of the world,” pahayag ng Pangulo.
Sabi ng Pangulo, bagamat abala siya ngayon sa panghihikayat ng mga dayuhang negosyante sa ibang bansa, hindi dapat na kaligtaan ang seguridad sa Pilipinas.
“We have cemented our bilateral relations with our allies, with partners, with our friends. And as we work on translating these investments into material benefits for our people, we must ensure that we continue to preserve the security and the safety of our nation,” pahayag nito.
Sinabi pa ng Commander-in-Chief sa mga dumadalo ng PMA alumni na umaasa siya na sa anumang kapasidad ay magpapatuloy ang mga ito sa kanilang nasimulang ”life of service beyond self” bilang pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bansa.
Nagpaabot din ng pagbati ang Pangulo sa mga awardee sa taong ito para sa kanilang exemplary performance sa kanilang mga atas na tungkulin at umaasang magsisilbing halimbawa sa pagnanais ng marami pang kabataang kadete na pumasok sa PMA.
“Inspire them once more to become leaders of character. Stay true to the ideals and values—such as integrity, service before self, and professionalism— that you have gained from the Academy that everyone should innately possess as public servants,” dagdag pa ng Pangulo.
Samantala hindi sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-aktibo sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo kung ang pag-aktibo sa MDT ay para lamang aksyonan ang panunutok ng laser ng Chinese Coast Guard sa tauhan ng BRP Malapascua ng Philippine Coast Guard sa Ayungin Shoal, posibleng lumala ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Giit ni Pangulong Marcos na maraming paraan upang umaksyon nang matiwasay at hindi kailanman maging agresibo.
Dagdag pa ng Pangulo, may mga pag-uusap na hinggil sa insidente na naganap noong Pebrero 6 sa bahagi ng West Philippine Sea. EVELYN QUIROZ