PILIPINAS GOT TALENT VAPE MASTER ARESTADO SA DROGA

LAGUNA – TIMBOG sa pagtutulak ng iligal na droga ang 30-anyos na Pilipinas Got Talent “Vape Master” matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Sta. Cruz PNP sa Sitio Maulawin, Bgy. Duhat, Biyernes ng hapon.

Batay sa ulat ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang suspek na si Mark Joven Olvido, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, bandang alas-2 ng hapon nang magkasa ng buy bust operation si PIB Chief PLt. Col. Arvin Avelino at kanyang mga tauhan matapos magsagawa ng surveillance operation sa lugar kaugnay ng iligal na gawain ni Olvido.

Sa pamamagitan ng tumayong isa sa poseur buyer, agarang naaresto ng pulisya ang suspek kasunod ang narekober na tatlong plastic sachet na naglalaman ng hindi pa mabatid na gramo ng shabu, buy bust money na halagang P2,000 at drug money na P600.

Samantala, hindi na rin nagawa pang makapalag ng suspek kung saan sa harap mismo ng kanyang pamilya at pamunuan ng Barangay, kusang loob nitong inamin ang ginagawang pagtutulak ng ipinagbabawal na droga.

Matatandaang nakilala si Olvido bilang Vape Master sa Pilipinas Got Talent ng ABS CBN (Third Runner Up) kung saan naging isa rin ito sa tumayong character ng palabas sa telebisyon na Probinsiyano.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Sta. Cruz PNP Custodial Facility para harapin ang kasong isinampa sa kanya ng pulisya. DICK GARAY

4 thoughts on “PILIPINAS GOT TALENT VAPE MASTER ARESTADO SA DROGA”

  1. 693647 322952Spot up for this write-up, I actually believe this internet site requirements an excellent deal more consideration. Ill likely to finish up once more to read a great deal much more, several thanks for that details. 410372

Comments are closed.