PILIPINAS HOST NG ASIA-PACIFIC MINISTERIAL CONFERENCE ON DISASTER RISK REDUCTION

INIANUNSYO ng pamahalaan at United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) na bukas na para sa registration ang Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na magaganap sa Oktubre 14-18 ngayong taon sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Ito ay nakasaad sa isang release mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na inilabas ngayong Hulyo 19,2024.

Ayon sa naturang pahayag, ang APMCDRR ay isang uri ng platform sa Asia Pacific upang isulong, imonitor, repasuhin at paigtingin ang kooperasyon para sa pagpapatupad at implementasyon ng layunin at goals, target, at mga prayoridad para aksyonan para sa Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030.

Layunin ng naturang kaganapan ay mapagkaisa ang mga pamahalaan, intergovernmental, international, national, and civil society organizations, private sector, science, academia, at stakeholders mula sa Asia-Pacific upang makagawa ng mga estratehiya, inisyatibo, magpalitan ng “good practices”, risk prevention, mitigation, preparedness, response, at recovery.

Ang naturang kaganapan na may temang “Surge to 2030: Enhancing ambition in Asia-Pacific to accelerate disaster risk reduction,” ay isa umanong kritikal na oportunidad upang marepaso ang mga risk reduction efforts o mga inisyatibo sa pagbawas ng mga panganib dulot ng climate change at makapagbahagi ang bawat isa sa inobasyon upang masolusyunan ang naturang suliranin at iba pang hamon sa kalikasan.

Inaasahang aabot sa 3,000 high-level international at lokal na delegado ang dadalo sa naturang kaganapan. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia