INIHAYAG ni Presidential Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na interesado ang Pilipinas sa Russian defense technologies kasunod ng muling pagkumpirma ng dalawang bansa sa matatag nilang ugnayan sa isyung panseguridad.
“The Philippines is interested in looking at Russian defense technologies for its security agencies,” pahayag ng kalihim sa kanyang Russian coun-terpart, Nikolay Patrushev ng Security Council of the Russian Federation sa talakayan sa mga ito kamakailan.
“Russia is known for its high quality yet relatively affordable equipment. It can be a reliable partner in this regard,” ani Esperon.
Sa nasabing pagpupulong ay nagkasundo ang dalawang bansa na lalo pang palakasin ang kanilang pagtutulungan laban sa international terrorism, drug-trafficking, transnational crimes, at cyber crimes .
“We see more avenues for enhanced security cooperation between our military and law enforcement agencies,” sinabi pa Esperon.
Magugunitang noong nakarang tao ay nag-donate ang Russia ng ilang libong AK-47 Kalashnikov rifle at iba’t ibang military equipment sa Pilipinas na pagpapakita na patuloy na lumalakas ang ugnayan sa pagitan ng Manila at Moscow sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Maging ang Pangulo ay bukas sa ideya na pagbili ng baril sa Russia matapos na tanggihan ng isang US arms company ang mga baril na binibili ng Pilipinas.
“Our security relations have indeed grown since President Rodrigo Roa Duterte decided to elevate Russia to become one of our important bilateral partners. Much has been achieved in the past two years, but there is still so much room for growth. We see more avenues for enhanced security coopera-tion between our military and law enforcement agencies,” pahayag pa ng National Security Adviser and Director General of the National Security Coun-cil (NSC). VERLIN RUIZ
Comments are closed.