PILIPINAS KAPOS NA SA MALINIS NA TUBIG

TUBIG

BAGAMA’T inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na makararanas ng paghina ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Mero Manila at karatig lalawigan ay  na­ngangamba naman na matulad sa Africa ang bansa dahil sa global warming.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, dating three star police officer na hindi mang­yayari sa Pilipinas ang nangyari sa Africa na may kakulangan ng supply ng tubig.

Subalit dahil sa global warming, ani Manila Water Chief Operating Officer Ding Carpio, panahon na rin  na maghanap ng ibang sources o pagku-kunan ng tubig maliban sa ulan.

Sa isang pulong balitaan ay sinabi ni Velasco na mayroong sapat na tubig ang bansa pero inamin nito na kailangan ang treatment plant dahil prob-lema sa ngayon ang pagkakaroon ng malinis na tubig.

Nabatid na may isa ng Chinese contractor ang nanalo sa bidding para sa water treatment facilities kung saan P10 bilyon ang pondo na ilalaan ng China at ang natitira ay babalikatin naman ng Manila Water at Maynilad.

Aminado ang opisyal na mayroong pagkaantala ang kanilang proyekto dahil sa bidding, pero ipinaubaya na nila sa mga kontraktor kung ano ang ka-nilang gagawin at bahala na ang MWSS dahil tinututukan naman ng Office of the President ang naturang proyekto.

Pinayuhan ni  Carpio ang mga consumer na gamitin ang tubig ng tama at huwag itong aksayahin.

Giit naman ni Manila Water Chief Operating Officer Randy Estrallado, may problema tungkol sa nakawan ng tubig kaya ginagawa na nila ang kaukulang hakbang kung papaano ito matutugunan                VERLIN RUIZ

 

Comments are closed.