DALAWA sa pinuno ng mga organisasyon ng mga negosyante sa bansa ang naniniwala na nanatiling isa ang Pilipinas sa bansang nangunguna sa patuloy na lumalagong ekonomiya sa rehiyon ng Asya maging sa mundo kumpara sa mga karatig bansa nito, sa gitna ng mga hamon at mga suliranin na kinakaharap nito.
“Based on our projections. We are still ahead with our neighbors in our growth rate despite of all the problems.So we just hope that there are some.projections of Philippine economic growth for 2023.I think it will be 4.5 to 5 economic growth rate,” sabi ni Sergio Ortiz-Luis,Jr. Presidente ng Employer’s Confederation of the Philippines (ECOP) sa kanyang pahayag sa Pandesal Forum sa Lungsod Quezon nitong nakaraang Biyernes, na may paksang “Sustaining Philippine Economic Recovery”.
“Amidst challenging times, we are still glad to hear the news of 5.3 % Philippine GDP growth for the first half of the year.This seems to be a slowdown due to high prices of commodity and slower global economic growth,” sabi ni Ortiz-Luis,Jr.
Naniniwala si Ortiz-Luis,Jr. na kaya pa umabot sa 6% hanggang 7% ang “economic growth rate” ng bansa sa taong 2023 dahil sa inaasahang pagdami ng aktibidad na pang ekonomiya ngayong darating na panahon ng kapaskuhan. Ngunit kailangan din pagtuunan ng pansin ang mas matatag na pasahod at pagpapalakas ng pag- export ng bansa.
Idinagdag pa na dapat ay mas kailangang pagtuunan ng pansin ang pagresolba ng problema sa “inflation” o ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo sa ekonomiya ng bansa.
“Especially with the start of the exciting “ber” months today September 1,the hope for revival of our tourism industry and increased election-related spending with the upcoming barangay and SK elections on October 30,” sabi ni Ortiz-Luis,Jr.
Bukod dito, ay dapat aniyang mas paigtingin pa ng Pilipinas ang pakikipagkumpetisyon nito sa ibang bansa lalo sa kinabibilangan nitong rehiyon sa ASEAN sa paghikayat ng mga imbestor. Sinabi niya na ang partisipasyon ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na pinakamalaking free trade agreement sa mundo ay lubhang makakatulong sa paghahanap ng investors lalo pa at napaka- strategic ng lokasyon ng Pilipinas.
Naniniwala siya na dapat ay magkaroon ng mas marami pang infrastructure ang PIlipinas upang mas makahikayat ng investors na maaring magbigay ng mas maraming hanapbuhay sa mga Pilipino. Kailangan din ay mapalakas ang turismo na isa pang magpapatatag sa ekonomiya ng bansa. ”We cannot depend on imports. We have to modernize our agriculture sector to ensure long term solution to food security. We need government support to fight smuggling which is a threat to industries, and also threatens the jobs of our employees,” sabi pa nito.
Giit niya ay kailangang suportahan ng pamahalaan at mga bangko ang micro, small,and medium scale enterprizes (MSMEs) na “backbone” ng ekonomiya ng bansa, katulad ng pagsuporta ng gobyerno sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps program na pinaglalaanan ng pondo.
Samantala, sinabi ni Dr. Cecilio Pedro .Pangulo ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated (FFCCCII) at Presidente at Founder ng Hapee Toothpaste/Lamoiyan Corp., na isa ang geopolitics sa dahilan ng pagbagal ng pag usad ng ekonomiya ng mundo tulad ng giyera sa Russia at Ukraine, at ang tension na namumuo sa West Philippine Sea sa pagitan ng bansang Tsina, U.,S, at Pilipinas.
Isama pa ang trade war sa pagitan ng dalawang naglalakihang bansang ito.
MA. LUISA GARCIA