MULING sasabak ang Pilipinas sa Rim of the Pacific (RIMPAC) exercises na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Agosto 4 sa Estados Unidos.
Iniulat ng Philippine Navy naĺ malaking oportunidad ito sa paglinang sa kapasidad ng Hukbong Dagat na mapasali sa itinuturing na pinakamalaking maritime warfare exercise sa buong mundo dahil sumasali rito and 26 na mga bansa kabilang ang Pilipinas, India, Japan, Australia, Singapore, Thailand at Brunei.
Ang pagsasanay ay pangungunahan mismo ng commander ng United States Pacific Fleet at gaganapin ito sa bahagi ng Hawaiian islands at southern California.
Layunin ng maritime exercise na ito ay mapalawak pa ang kakayahan ng mga puwersang pandagat ng mga kalahok na bansa, palakasin ang ugnayan ng 26 countries at i-promote ang free and open Indo-Pacific
Ayon sa US Pacific Fleet, nasa 38 surface ships, apat na submarines at 170 aircrafts ang magiging bahagi sa biennial RIMPAC exercises.
Inihayag naman ng Philippine Navy na naghahanda na rin sila sa ipadadalang contingent sa RIMPAC 2022.
Sa huling pagsali ng Philippine Navy sa nasabing maritime exercise noong 2020 ay ipinadalang kinatawan nito ang bagong Navy Frigate, ang BRP Jose Rizal (FF-150),
Batay sa inisyal na iskedyul, sa darating na Hunyi 8, 2022 gaganapin ang send off ceremony para sa mga participants subalit hindi pa inihahayag ng Philippine Navy kung ilang mga barko at air assets ang sasali sa pinakamalaking naval exercises. VERLIN RUIZ