PILIPINAS VISMIN SUPER CUP TITLE TARGET NG MJAS ZENITH TALISAY

MJAS Zenith Talisay

ANG PAGHIHIRAP na pinagdaanan ng mga player sa panahong ito ng pandemya ang nagsisilbing motibasyon para hangarin ng MJAS Zenith Talisay ang inaugural championship ng Pilipinas VisMin Super Cup na lalarga sa Abril 9.

Kapwa sumasang-ayon sina veteran  guard Paolo Hubalde at team manager Jhon Santos na ang pagsungkit sa titulo ang pangunahing layunin ng koponan nang magpasiya itong lumahok sa regional league.

“Ang goal talaga is kunin ‘yung championship. History iyan e, first na magcha-champion so might as well kunin mo na ‘yung pinaka-goal,” sabi ni Santos.

“Kaya naman tayo sumasali sa mga liga para manalo ng championship,” dagdag ni Hubalde, 40. “Na-bond na ‘yung  team ng panahon, buo na last year pa. Kaya ‘yung chemistry namin nandun na. This is not just a team, but a family na.”

Sina Santos at Hubalde ay bumisita sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum kahapon, kasama sina Puma PH Senior Manager For Sales Marketing at Operations Michael Aldover na labis nilang pinasalamatan sa pag-sagip sa koponan.

Ang core ng Aquastars ay ang parehong players na bumubuo sa  Valenzuela City team sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League), na sa kasawiang-palad ay hindi maipagpatuloy ang nalalabing season kasunod ng COVID-19 outbreak.

Ginagabayan ni dating San Sebastian standout Aldrin Morante, kasama si PBA legend Bong Alvarez bilang consultant, ang Aquastars ay kinabibilangan din nina Patrick Cabahug, Val Acuna, Tristan Albina, Darell Shane Menina, Lugie Cuyos, Kevin Villafranca, Joshua Dela Cerna, Jaymar Gimpayan, Lord Casajeros, Egie Boy Mojica, Steven Cudal, Allan Dominic Santos, Mel Francis Mabigat, at Jhaymo Eguilos.

Ang mananalo sa  Visayas leg ay makakasagupa ang champion ng Min­danao leg  na gaganapin sa Zamboanga City para sa Super Cup national championship. CLYDE MARIANO

One thought on “PILIPINAS VISMIN SUPER CUP TITLE TARGET NG MJAS ZENITH TALISAY”

Comments are closed.