PILIPINO IPAGTATANGGOL NI ISKO KAHIT SAAN MAN SA MUNDO

AANHIN mo ang uugod-ugod na kalabaw kung may makukuhang mas bata at mas malakas na katuwang sa gawaing bukid?

Nabanggit ko ito kasi, ‘yung ayaw kay Yorme, aba ang upak siya raw ay wala pang gaanong alam, walang maraming karanasan, kumbaga, mahirap pagtiwalaang maging pangulo ng Pilipinas.

Mali: kung maedad na ba, makaranasan na, mas maraming alam, ‘yun ay magiging mahusay na?

Ang totoo, mas may advantage ang mas bata, sabi nga ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, mas mabilis kumilos, mas ismarte, mas malawak ang isip at mas madaling pakibagayan ang kabataan.

Tingnan natin si Yorme Isko, kay rami nang nagawa – sa mabilis na kilos – sa Maynila sa loob lang ng more than two years, at ito ay patotoo, kung siya ang ating presidente sa 2022, bibilis ang pag-asenso nating Pilipino.

Sino ang may mas maayos na pandemic response versus COVID-19, ‘di ba si Yorme Isko: ilang buwan lang, naitayo niya ang COVID-19 Field Hospital sa Luneta; madaling nakaimbak ng maraming anti-virus medicine na kahit taga-ibang lugar, libreng ipinamimigay, basta sabi nga ni Isko, “mas mahalagang magligtas ng tao.”

Kung iimbak lang ang gamot, e hindi naman dadami at tutubo tulad ng halaman, kaya ipinamigay ni Isko at hindi pa nauubos, umoorder na agad nang hindi maubos ang suplay.

May gaganda pa bang pabahay na tulad ng Tondominium, Binondominium, Basecommunity at ang kabubukas lang na Plaza Asuncion sa Malate.

Bagong Ospital ng Maynila, Pres. Cory Aquino Gen. Hospital, at mga bagong paaralang publiko na de airconditioned pa, bagong renovated Manila Zoo, at iba pang proyekto na pinakikinabangan ng publiko.

At ready na, ipatutupad na agad ang 10-point agenda niya sa oras na maupo siya sa Malakanyang, e ‘yung ibang “matatandang kandidato,” meron na na bang plano para maibangon ang Pilipinas sa lugmok na ekonomiya at panlaban sa pandemya?

Wala kaming naririnig kundi paninira, kantiyaw, meme, sayawan, at mga palugaw, at sangkatutak na publisidad.

o0o

Ito pa ang ikinahahanga ng marami kay Kois, ang manindigan sa kapakanan ng Pilipino laban sa pakikialam ng dayuhan o ng ibang gobyerno.

Aba, si Madam Lugs, ‘pag daw na-convict si Presidente Rodrigo Duterte, anytime, ibibigay niya sa poder ng International Criminal Court (ICC).

Lutang ba si VP Leni o hilo sa kati-Tiktok? Sabagay, noon pa sinisiraan ni Madam Laylayan ang Pilipinas nang magtalumpati siya sa UN General Assembly nang ikalat ang maling impormasyon sa war on drugs ni Duterte.

Sa UN Commission on Narcotic Drugs, binira niya si Digong na kulang na lang sabihing isa itong “halimaw.”

Pero iba si Yorme, ilalaban ka niya, kahit saan ka sa mundo naroroon.

Kaya nang itanong kung isusuko ba niya si Tatay Digong sa ICC, in case nga na hatulang ‘guilty’ sa crime against humanity, hindi niya iyon gagawin.

“Hand him over? No!” sabi ni Isko kasi, kung may kasalanan nga si Duterte, sa Philippine courts niya ibibigay ang pangulo.

Malaya tayong bansa, hindi tayo kolonyal ng anumang international body.

Malinaw kay Yorme ang trabaho ng isang presidente at ano ito?

Ito ay protektahan tayong Pilipino sa anumang abuso, panganib, pananakit at tungkulin niya na ipaglaban ang karapatan natin sa lahat ng pagkakataon.

‘Yan ang magaling na presidente, kaya panatag ang loob ko, tayong Pilipino, kahit saan tayo naroon, idedepensa at ipaglalaban tayo ni “Presidente Isko Moreno.”

Okey lang, mag-conduct ng imbestigasyon ang ICC, pero ang arestuhin si Duterte sa Pilipinas, hindi papayagan ni Yorme Isko.

No way, na papayagan ni Yorme Isko na i-prosecute ng isang dayuhan ang Pangulo o ang sinomang Pilipino sa Pilipinas.

Hindi, hinding-hindi papayag si Yorme, at kung kailangang managot, ihaharap niya sa korte ng Pilipinas.

‘Yan ang gusto ko kay Yorme Isko na manindigan na tayo ay isang malayang bansa, e si Madam Lugs, hehehe, suko na agad sa ICC.

Sabi ni Yorme, umiiral sa Pilipinas ang demokrasya, gumagana at maayos ang sistema ng hustisya at hukuman sa atin, kaya bakit isusuko niya ito sa ICC.

Tama si Yorme Isko: magiging mapaghiganti si VP Lugs kay Duterte kung siya ang maging presidente, at ‘pag nangyari iyan, kawawa ang mga kalaban ni Madumb.

E, si Isko, yayakapin niya, kahit kalaban sa politika, para mapagkaisa ang mamamayang Pilipino.

Kung may kasalanan nga si Duterte at mga opisyal nito, “Oo,” sagot ni Yorme Isko pero ang proseso ay dadaan sa parehas na pagdinig at paglilitis.

Ito ay gagawin niya sa ngalan ng hustisya at kapayapaan.

Yan ang Idol ko, My President Yorme Isko Moreno.

Pilipinas, God First!

o0o

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa [email protected].