PILIPINO MIRROR KINILALA NG LE TOUR DE FILIPINAS

le tour de filipinas

PINASALAMATAN ng Le Tour De Filipinas ang pahayagang PILIPINO Mirror sa hindi matatawaran, aktibo at napakahalagang suporta nito upang maging matagumpay ang  kanilang cycling event na umabot na sa 10 taon.

Bilang pagkilala, iginawad ng Le Tour De Filipinas sa kanilang Thanksgiving 2019 at recognition ceremony ang isang Certificate of Appreciation sa PILIPINO Mirror na tinanggap nina Managing Editor Susan Cambri Abdullahi, Eunice Calma, news editor at Edwin Cabrera, advertising executive sa Vikings Venue, Pasay City noong Hulyo 19, 2019.

“We would like to take this opportunity to express our heartfelt thanks to all, for your active involvement and unending support to Le Tour 2019. The Chairman and Staff wanted to pass their sincere appreciation for the efforts in supporting Le Tour, thank you for showing enthusiasm,” ayon sa statement ng UBE Media sa pamamagitan ng kanilang Media Director na si Ms. Emma C. Arceo. Sa recognition ceremony ng Le Tour De Filipinas, nanguna sa pasasalamat sina Mr. Alberto Lina, chairman ng PHILCYCLING; Donna May P. Lina, Chairman ng Le Tour de Filipinas; Rudy G. Fulo, Co-Chairman ng Le Tour de Filipinas at iba pang opisyales na sina Mr. Bing Pansan at Ms. Sylvia Lina.

Ang  UBE Media ang nag-organize ng nasabing event, ang nagsulong ay ang UCI at PHILCYCLING habang ang mga presenter ay ang Air21 at OneLGC  at ang co-presenter ay CARG HAUS at One Sports on Cignal.

Sa record, umarangkada ang cycling event na Le Tour de Filipinas noong Hunyo 14 hanggang 18 ngayong taon sa ilalim ng Stage 1 Tagaytay City to Tagaytay via Batangas; Stage 2 – Pagbilao, Quezon to Daet, Camarines Norte; Stage 3- Daet, Camarines Norte to Legazpi City, Albay; Stage 4 –Legazpi City, Albay to Legazpi City, Albay via Gubat, Sorsogon at Stage 5- Legazpi City, Albay to Legazpi City, Albay via Donsol, Sorsogon. EUNICE C.

Comments are closed.