PILIPINO MIRROR’S USAPANG PAYAMAN SA IZ HABIT-FORMING NA

TATLUMPU’T DALAWANG Linggo o 32 episodes na ang USAPANG PAYAMAN SA IZ ng PILIPINO Mirror na nagsimula noong Hunyo 26, 2022.

Ang programang unscripted na mayaman sa impormasyon pangkalusugan, personal growth at samu’t saring kaalaman sa anumang larangan.

Ang USAPANG PAYAMAN sa IZ ay handog ng Pilipino MIRROR, AngUnang Tabloid Sa Negosyo kung saan kagigiliwan ang Payaman convo nina Susan Cambri Abdullahi, Cris Galit at Eunice Calma.

Promotor para sa concept ng programa ay walang iba, Mr. Marvin Estigoy, Vice President for Sales and Marketing ng Aliw Broadcasting Corporation at sa direksyon ni Alfie Cortez.

Kaya naman habit forming na tuwing alas-2 hanggang alas-3 ng hapon ng Linggo sa himpilang Nagbabalita ng Tama, Naglilingkod ng Tama, DWIZ.

Hindi lang pan-radio ang USAPANG PAYAMAN sa IZ, pan-TV rin dahil mapanonood ang programang instant collaborator ng mga SMEs at malalaking negosyo sa digital free Aliw 23, gayundin sa Sky Cable Channel 72; TV Plus 27 at GMA Affordabox 32.

Maaari ring sundan ang USAPANG PAYAMAN sa IZ sa YouTube Channel ng DWIZ at iba pang social media platforms na Facebook Pages ng DWIZ882 at PILIPINO Mirror.

Sa halos mahigit na pitong buwan on air, TV at social media, masaya at natututo ang hosts at guests sa kanilang palitan ng kaalaman at karanasan.

Sa bawat edisyon ay nag-iiwan ng inspirasyon at aral anuman ang estado sa buhay.

Kahapon, sa Episode 32 ay nakapanayam naming si Riza Zuniga, ang academe at artist mula sa Asian Institute of Journalism and Communications (AIJC).

Habang buena manong guest noong Hunyo 26 si Mr. Jaypee Morales ng Association of Filipino Franchisers, Inc. (AFFI) na naghikayat sa nais magsimula ng pagnenegosyo para makapasok sa mundo ng prangkisa.

Sinundan nina Marky Almazora, Marketing and Communications Manager ng CLUB ANANDA; Fashion Icon at art enthusiast na si BOYER FAJARDO, na maraming lesson at inspirasyon ang naibahagi sa viewers ang listeners.


Episode 30: Guest PeraPera Team na sina Mr. Rey Lugtu ng Hungry Force at Eric H. Montelibano, CSBank consultant.

Episode 29: Guests, Richie Tan Gonzales, SVP Marketing SM Supermalls at Fengsui expert, Maritess Allen.

Episode 25: Guest Kath Hipolito Mas, Interna­tional Soprano Diva grand winner; Benjamin ­Ganapin at ang tinulungang magnegosyo.

Episode 20: Guests, Grace Magno, VP for Corporate Marketing SM Supermalls at Karen Fahara, AVP Premier 2, SM Supermalls.

 

SOLUSYON SA ENERHIYA MAY ALOK NA OPSYON

Dahil problema pa rin ang supply ng enerhiya sa remote areas sa Pilipinas ipinakilala ng USAPANG PAYAMAN SA IZ ang SUNSMART Solar Power Technology Inc. at nakapanayam sina Chairman William Ngai at co-founder and President nito na si Miss Jenny Lin Maaño.

 

PARA SA HOME, PARA SA LIFE

Isa sa exciting part ay nang makapanayam ng UP SA IZ si Russel Patina ng HOME CREDIT.

Kaya naman ang listeners at viewers ay tutok sa programa lalo dahil nabigyan ng chance na magkaroong ng bagong kagamitan sa bahay o gadget para sa pag-aaral sa pamamagitan ng responsableng loan gamit ang Home Credit.

 

AFFORDABLE NA PAGKAIN

Kung pagkain ang pag-uusapan, nakapanayam din ang ED’S ROASTED AND FRIED ni Edison Tan, na sadyang mapapabalot ka sa sarap ng kanilang spaghetti, Barbecue, iba’t ibang uri ng Fried Chicken at ang kanilang leche flan. Sa murang-murang halaga, puwede nang pam-party ang kanilang mga food package.

Maging ang SIOBEE ROASTERS ay masarap na putahe rin ang handog. Nakapanayam ng UPSIZ ang smag-partner na sina Jerome Go at Micole Ngo na nagpapatakbo ng SIOBEE ROASTERS Kung nais n’yong ma-experience ang authentic Hong Kong food, nasa Siobee Roasters na ang mga iyon!

Inumin ba ang hanap? Nakapanayam rin si Jolly dela Pena ng Jacks Lemonade gayundin si Thelma Gecolea ng healthy coffee drink na Kaffea at Chocolea.

Para naman sa pagkaing Pinoy at nais ang cozy place, naipakilala rin ng UPSIZ si Alvin Fortuna ng Pandan Asia.

Kung ointment ang pag-uusapan, ibinahagi ni Melissa Yeung Yap ang bisa ng KATINKO at iba pang produkto gaya ng Liniment, alcohol gayundin ang kanilang adbokasya na makatulong sa mga artist.

Kasabay na nakapanayam ng UPSIZ si Sports Instructor na si Alvin Abelardo kung saan naging tampok ang futsal. Isang football-based game na puwedeng laruin na maliit na football pitch.

 

ART ENTHUSIASTS

Isa sa nakakawiling nakasama ang mga art enthusiast na sina Master Tam Austria na nagbigay ng inspirasyon sa mga nais maging bahagi ng sining kahit ano pa ang antas sa lipunan.

At sa episode 25 ay nakapanayam din ang International Soprano Diva na si Kat Hipolito Mas kasabay naman si CPA at mentor Mr. Benjamin Ganapin ang dalawa nitong angel o mga tinutulungang makapagnegosyo.

 

EMPOWERMENT

Guest din ng UPIZ si Dr. Roxanne Cajigas na tubong Eastern Visayas, pero nagtuturo sa USA at kasabay niya ang isa ring woman in substance na si Dr. Marivic, Lualhati, PhD.

 

AUTO REPAIR AT CASA ALTERNATIVE

Affordable pero at home naman sa ValuePlus, na pagawaan ng sasakyan sa Metro Manila, kasalukuyang nagpa-franchise ng kanilang shops na VPX o ValuePlus Auto Service Express. Ang nasa likod ng VPX ay si General Manager Mark Saberola.

 

PLAIN & SIMPLE

Kung outfit of the day ang pag-uusapan, sa PLAIN & SIMPLE na ni Josh Manguerra, na sa edad 26 ay sumagupa na negosyo kaagapay ang kanyang misis na si Kamae.

Nakapanayam din ng programa ang key personnel ng INSPI, Shigetsu, Mikana at Organic Skin.

 

PERA PERA

Sa episode 30 ay nakapanayam naman ng programa sina Mr. Rey Lugtu ng Hungry Workforce at Mr. Eric Montelibano, consultant ng CSBank kung saan isinusulong nila sa banking system ang digitalization at kahalagahan ng financial literacy.

Noong Nobyemre 6, 2022, ay guest ng UPIZ sina Miss Grace Magno VP for Corporate Marketing SM Suipermalls, at Karen Fagara AVP Premier 2 SM Supermalls.

Habang Enero 8, napapanahon at talaga namang dinagsa ng viewers ang episode 29 dahil ang guest noon ay ang Feng Sui expert na si Miss Maritess Allen at kasama nito si Mr. Richie Tan Gonzales, SVP Marketing, SM Supermalls.

Tiniyak naman ng UPIZ Team na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng yamang-kaalaman at tips sa kanilang audience na bahagi ng kanilang adbokasya na Naglilingkod ng Tama.