MISTULANG ‘hide and seek’ ang ginawang paghahanap ni Senador Panfilo Lacson sa pilit na nilulusot na pork barrel ng mga mambabatas.
Sa ginanap na Kapihan sa Senado, sinabi ni Lacson na taon-taon na lamang na niyang ginagawa ang ‘hide and seek’ ng mga matatanda o ang paghahanap sa mga bagong sistema ng pagpapalusot sa pork barrel na ginagawa ng mga mambabatas.
Ayon sa senador, sa nauna niyang pagsusuri ay wala siyang nakita sa 2020 budget sa General Appropriation Bill (GAB) o version ng House of Representative ang pagpapalusot sa pork kung saan institutional amendments lamang ang nakita nito na isinumite sa senado.
Subalit, sa paghihimay ng naturang budget ay natuklasan na ang pork barrel pala ay National Expenditure Program (NEP).
Iginiit ni Lacson, may duplication projects silang nakita sa Department of Public Works and Highway (DPWH) at mga proyekto na hindi naka-itemized na aabot sa P14 bilyon hanggang P20 bilyon.
Gayundin, nais ni Lacson na isapubliko ang gagawing Bicameral Conference Committee para sa 2020 national budget dahil sa pangamba na posibleng may balak pang magpasok ng pondo ang ilang mambabatas. VICKY CERVALES
Comments are closed.