PILOT DEPLOYMENT NG MGA LEFT-ENTRY DOORS BUSES SA EDSA SINIMULAN NA

bus

LEFT DOOR BUS EDSA Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pilot deployment ng mga pampublikong bus na nasa kaliwa ang pinto na naaayon sa kasalukuyang set up ng mga bus stop sa Edsa.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary Steve Pastor, mayroon nang apat na bus na nasa kaliwa ang pinto ang bumibiyahe ngayon sa Edsa bus way.

Inaasahang madadagdagan pa  ito ng apat pang bus sa susunod na linggo at 15 pa sa Setyembre.

Sinabi ni Pastor, mas ligtas ang konsepto na nasa kaliwang bahagi ng bus ang babaan ng mga pasahero batay na rin sa tinatanggap na international practices.

Gayunman nilinaw ni Pastor na hindi pa nire-require ang  left door buses dahil patuloy pang pinag-aaralan ang pagiging epektibo nito gayundin ang pagsasaala-alang sa financial standing ng mga operator.

Comments are closed.