NAPANOOD namin ang pilot episode ng “Idol Philippines” nu’ng Linggo ng gabi.
Para sa amin ang may ‘K’ lang bilang hurado ng naturang singing contest ay ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Okey na rin si Vice Ganda, pero tulad ng ginagawa niya sa “Pilipinas Got Talent” noon ay ganun pa rin ang ginagawa ng Unkabogable Star.
Pero, in fairness to Vice, siya ang nagbibigay buhay ng show. May mga komento siyang nakatatawa, pero tagos sa puso ang laman ng sinasabi.
Marami kaming nabasang negative comments sa social media hinggil sa bagong programa ng ABS-CBN. Maging ang mga hurado ay hindi rin pinalampas ng netizens sa pamba-bash.
Anila ang ginagawa ni Vice ay ang usual na pagpapatawa nito samantalang si Regine naman daw ay taga-bigay ng advice sa mga contestant hinggil sa teknik kung papanong maging mahusay na singer.
Sila James Reid at Moira dela Torre ay naka-focus lang sa technical aspects ng nagpe-perform at sa overall impact ng nag-a-audition.
Karamihan daw sa mga nakapanood ng pilot episode ng “Idol Philippines” ay disappointed dahil mas binibigyan daw nila ng at-tention ang istorya ng mga contenders kesa sa mga talent nila as a singer.
Pinuna rin ng netizens kung papanong mag-judge sina James at Moira. “They are being fit as jurors of the show,” ayon sa isang nagkomento kung saan special mention pa si Moira na walang kabuhay-buhay sa pagja-judge.
KC CONCEPCION ‘DI MAPAGPATOL SA BASHERS
HALOS lahat ng mga Filipino ay nabahala sa nakaraang lindol kamakailan.
Nagbahagi ang celebrities ng mga mensahe sa kani-kanilang social media account. Isa na rito si KC Concepcion na wala man di-to sa Filipinas ay nagpadala ng mensahe thru her IG account.
Pero sa kasamaang palad, minasama pa ng isang netizen na wala yatang magawa sa buhay ang taos- pusong pagbibigay men-sahe ng anak ni megastar Sharon Cuneta.
Sa larawan kasing ibinahagi ni KC ay may nakasukbit siyang bag.
Napuna ‘yun ng netizen at sinabing “Sorry but ur pic is inappropriate wd our situation here (intense earthquake esp wd ur cha-nel bag).”
Sinagot ni KC ang netizen at humingi pa siya ng kapatawaran. “I was posting this when we got a call that the earthquake hap-pened and I just posted the caption without a second thought. Sorry but I was concerned and don’t have an earthquake-ready post on standby. Stay safe.”
Dahil sa mapagpakumbabang reply ni KC sa netizen ay umani siya ng paghanga sa ibang netizens.
Kung ibang celebrity raw ‘yun, “my account my rules” katarayan ang napala ng netizen. “Some netizen deserve to be told off. There are some na OA na sa pakikialam and feeling entitled. Lahat na lang pinupuna.”
Sadyang hindi lang talaga mapagpatol ng basher si KC. Diyan malalaman kung papaanong napalaki ni Sharon ang anak nila ni Gabby Concepcion na isang mabuting anak.
‘AVENGERS’ FANS UMANGAL, BAKIT MAY CHINESE SUBTITLES ANG MOVIE
MARAMING avid fans ang Marvel Studios. Kaya naman sa first screening ng ‘Avengers: Endgame’ na 6 a.m. kahapon ay maraming fans na ang nakapila ng 4:30 a.m. sa SM North EDSA.
Ang director ng foreign movie ay agad na inabisuhan ang mga fans na ‘wag i-spoil ang ending ng ‘Avengers Endgame’ sa ibang fans na hindi pa nakakapanood.
Kaya lang how true na gusto raw ipa-refund ng Pinoy moviegoers ang kanilang ibinayad. May mga nagpa-reserve na kasi para makapanood ng ‘Avengers: Endgame” sa actual showing nito.
May nabalita raw kasi na ang ibang cinema sa Metro Manila na magpapalabas ng ‘Avengers” Endgame’ ay Chinese subtitles.
Pero, ayon naman sa report selected cinemas lang naman daw ang may Chinese subtitles.
Ang isyu ay lumaganap sa online world pagkatapos magreklamo ng moviergoers. Sa report ng CNN Philippines, netizens air their disappointment on the Southwoods mall’s Facebook page.
Ayon sa netizens hindi raw sila na-inform na may Chinese subtitles ang pelikula kaya ibig nilang ibalik ang perang kanilang ibi-nayad na.
Samantala, sa statement na prinovid ng Megaworld Lifestyle Malls, sinabi nila ang kanilang opinion kung bakit nag-decide silang i-ere ang Endgame na may Chinese subtitles. Klinaro nila kung bakit may select screenings with subtitles.
Comments are closed.