MASUWERTENG nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang Indian pilot at tatlong pasahero ng private plane na nag-emergency landing, ngunit lumubog din kalaunan sa karagatang sakop ng Barangay Sinunuc, Zamboanga City kahapon ng umaga.
Ayon sa PCG District sa Southwestern Mindanao, sakay ng isang Piper Plane – PA-34 Seneca ang isang Filipino, Indian, at Nepali.
Sa koordinasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Zamboanga City, nag-deploy ang PCG ng aluminum boats at inalerto ang Special Operations Group (SOG) at Marine Environmental Protection (MEP) teams para sa agarang tulong upang masagip ang mga biktima.
Nang dumating ang team sa lugar, nakitang nakalubog na ang aircraft kaya agad ni-rescue ang mga sakay nito at nasa sa maayos na kondisyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng CAAP sa Zamboanga City ang insidente upang mabatid ang tunay na dahilan ng aberya.
Batay sa ulat, umalis ang private plane sa Zamboanga Airport patungong Dumaguete City dakong alas-9:30 ng umaga ng Martes.
Sinabi naman ng piloto na ang emergency landing ay dahil sa nagkaproblema ang kaliwang engine nito matapos magtake-off sa nasabing paliparan.
Pag-aari ng Dumaguete-based flying school, Rohyle Aviation Academy Inc. ang eroplano na patungo sana sa Dumaguete Airport. PAUL ROLDAN
Comments are closed.