PIMPLE BREAKOUT AT MGA PARAAN KUNG PAANO ITO MALALABANAN

PIMPLE

TUNAY ngang nakasisira ng self-confidence ang pagtubo ng pimples sa ating mukha. Ang pimples o tigyawat ay mga pulang butlig sa balat dulot nang pagkakaroon ng impeksiyon sa sebaceous gland o glandulang nagkokontrol ng langis sa balat.  Bukod pa sa hindi ito magandang tingnan, kumikirot din ito lalo na kapag nahahawakan o nasasagi. Sa halip na gumastos nang malaki sa pagbili ng concealing cream para matakpan ang mga pimple marks, mainam na alamin na lamang natin ang ilang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon nito.

GUMAMIT NG YELO

YELOUpang mabawasan ang pamamaga ng mukha, mainam ang pagpahid ng yelo o ice cube dito. Ibalot lamang ito sa tela at idampi sa bahagi ng mukha na may pimple. Nakatutulong ang yelo upang ayusin ang sirkulasyon ng dugo at pinapaliit din nito ang pores sa mukha, dahilan upang hindi ito kapitan ng langis at dumi.

PANATILIHING MALINIS ANG MUKHA

Importante ang pag­hihilamos ng mukha nang higit pa sa dalawang beses sa isang araw upang matanggal ang dumi, patay na skin cells at langis. Ang mga ito kasi ay isa sa dahilan sa pagkakaroon ng pimples. Siguraduhin ding malinis na towel ang pinapampunas sa mukha.

IWASAN ANG PAGGAMIT NG MAKEUP KUNG MAY PIMPLE BREAKOUT

Pinaniniwalaang mas lalala ang pimple breakout kung gagamit ng makeup dahil naka-clog nito ang pores. May mga kemikal ding taglay ang makeup na makasasama sa iyong balat lalo na kung sariwa pa ang pimple.

HUWAG MAGBABAD SA INIT

Nagdudulot naman ng pamamaga at pamumula ang sobrang pagbababad sa init dahil sa ultraviolet rays na nakasasama sa balat. Mas maigi kung gagamit ng sunscreen na may SPF 30 pataas kung hindi talaga maiiwasan ang mainitan.

IWASAN ANG STRESS AT PAGPUPUYAT

Ayon sa ilang pag-aaral ay may relasyon ang pagkakaroon ng pimple sa stress at laging pagpupuyat. Tumataas kasi ang lebel ng cortisol sa katawan. Ang cortisol ay siya namang dahilan kung bakit naglalabas ang balat ng sebum, na siya namang nagdudulot ng pimple.

HUWAG HAWAKAN ANG MUKHA KUNG MARUMI ANG KAMAY

Sa rami ng ating hinahawakan, hindi natin alam kung anong klaseng dumi ang dumarapo sa ating kamay. Iwasang hawakan ang mukha lalong-lalo na kung marumi ang kamay dahil ang pagkapit ng mga duming ito sa pores ay isa ring dahilan ng pagkakaroon ng pimples.

IWASAN ANG MGA PAGKAING MAMANTIKA AT MATATAMIS

MAMANTIKASinasabing ang mga pagkaing mamantika at mga pagkain na may mataas ang lebel ng asukal ay nagdudulot ng acne. Pareho kasi itong nagtataglay ng components na dahilan upang mag-produce ang katawan ng hormones na mas mataas pa sa normal nitong inilalabas.

Ang excessive hormones ay nagdudulot sa balat na gumawa ng sebum at sobrang skin cells.

Ang kombinasyon ng sebum at patay na skin cell ay dahilan ng pagtubo ng pimples.

KUMAIN NG GULAY AT PRUTAS

Ang pagkain ng gulay at prutas tulad ng papaya, broccoli, orange, patatas, kamatis at iba pa ay mabuti sa ating balat. Pinapakinis nito ang ba­lat at nagtataglay ng mga antioxidant na siyang nagpoprotekta rito mula sa usok, init at iba pang dumi.

HUWAG HAWAKAN AT PUTUKIN ANG PIMPLE

Madalas ay nakagigigil talaga ang mga pimple sa ating mukha at kung hindi natin napapansin, hinahawak-hawakan na natin o pinuputok ang mga ito. Mas lalo kasing mahahalata ang peklat ng pimple kung ito ay puputukin.

Nagdudulot pa ng karagdagang pimple kapag dumikit pa sa mukha ang sebum at bacteria na mula sa pinutok na pimple. Hangga’t maaari, hayaan lamang na gumaling ito ng kusa o ‘di kaya’y bumili kahit mga over-the-counter drugs na makatutulong upang gumaling ito.

MAG-EXERCISE

MAG-EXERCISEBukod sa mainam ang pag-eehersisyo sa katawan, maganda rin ito sa balat.

Ngunit siguraduhing malinis ang towel na ipampupunas sa mukha at maligo o maghilamos matapos mag-work out. Mas mabilis kasing mag-build up ang bacteria kapag pinagpapawisan.

Isa nga namang problema hindi lamang ng mga kabataan ang pagkakaroon ng pimples kaya’t mahalaga na alam natin kahit ang simpleng mga bagay na maaari nating gawin upang maiwasan ito.

Ang pagkakaroon ng pimple-free skin ay hindi lamang repleksiyon ng panlabas na kagandahan, kundi ipinakikita rin nito na pinangangalagaan natin ang ating kalusugan. (photos mula sa google) RENALENE NERVAL

Comments are closed.