(Pinaaaksiyunan sa DTI) ‘DUMPING’ NG IMPORTED NA PAPEL SA PH

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang mambabatas sa Department of Trade and Industry (DTI) ang pinaniniwalaang ‘dumping’ ng imported paper products sa bansa, na nakaaapekto sa local paper manufacturers.

“Our local paper producers are greatly affected by importation of papers at undervalued prices by traders and possible violation of anti-dumping measures,” pahayag ni House Deputy Majority Leader Jose Teves Jr. sa pagdinig ng House appropriations committee sa panukalang P7.909 billion budget ng DTI at ng attached agencies nito sa susunod na taon.

Ang dumping ay nagaganap kapag ang isang imported product ay ibinebenta sa mas mababang halaga kumpara sa presyo nito sa pinagmulang bansa.

“For example, the price of imported corrugated medium is $390 per ton, samantalang ang presyo nito sa country of origin katulad ng Vietnam at China ay $450 or $480 per ton,” ani Teves.

Aniya, dahil sa pagtaas ng imports ay marami nang local paper products manufacturers angg tumitigil sa operasyon.

Ayon kay Teves, batay sa pahayag ng Paper Manufacturing Association, ang rate ng paper importation ay tumaas sa first half ng 2023.

“ If shutdowns remain, maaari po itong magresulta ng massive layoffs ng libong empleyado ng mga paper manufacturers sa pagkalugi,” sabi pa ni Teves.

Sinang-ayunan naman ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo ang obserbasyon ni Teves.

“We fully agree with your observation. Meron nga pong dumping na nangyayari sa paper industry coming from foreign countries,” ani Rodolfo.

“In fact, we were able to impose an anti-dumping duty on paper for 10 years… safeguard duty on paper kaya lang nag-lapse na nung 2018. So one year naman ang kailangang hintayin before the industry can file for relevant trade duties including anti-dumping duties,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni DTI Sec. Alfredo Pascual na nagpapatupad ang ahensiya ng safeguard duties sa pamamagitan ng taripa para proteksiyunan ang local industry mula sa dumping.