NANAWAGAN si Senadora Imee Marcos sa pamahalaan na hanapan ng remedyo ang kakapusan sa syringe sa buong mundo sa harap ng inaasahang pagdating ng milyon-milyong COVID-19 vaccines sa bansa sa mga darating na buwan.
“Magandang balita ang pagbili ng 40 milyong doses mula sa Pfizer pero mayroon bang sapat na low dead space (LDS) syringe na kinakapos na ngayon sa United States mismo? Sana ang ating supply ay hindi maka-pagpapahinto sa ating vaccination program,” ani Marcos.
Sinabi ni Marcos, chairman ng Senate committee on economic affairs, na mahigit sa 75% ng mga syringe na ginagawa ng pinakamalaking manufacturer sa Filipinas ay ini-export sa North America.
“Ang ating domestic supply ay umaasa sa importasyon. Ang gastos para dito ay hamon na sa Department of Health (DOH) mula pa noong unang bahagi ng taon,” dagdag pa ni Marcos.
Paliwanag ni Marcos, ang paggamit ng mga LDS syringe ay kayang gawin ang 40 million Pfizer doses sa 48 million, dahil nababawasan ang espasyo o puwang sa pagitan ng syringe plunger at dulo ng karayom, at nababawasan din ang aksaya ng bakuna.
Dahil dito, nakakahigop ang LDS syringe ng pang-anim na dose mula sa vial na pang-limahan lang. Pati sa Moderna vaccine ay nakakahigop ito ng isa pang dose sa vial na pang-sampuan, dagdag ni Marcos.
Bago pa pumutok ang COVID-19 pandemic, ang LDS syringe ay ginagamit lamang sa mga partikular na sakit kaya limitado lang ang paggawa nito kumpara sa tradisyonal na siringhilya.
Dinaragdagan ngayon ng mga manufacturer ng syringe ang kanilang produksiyon dahil sa banta na ang ka-kapusan nito ay magpapabagal sa pagkamit ng herd immunity kung dumami ang COVID-19 variants na magiging sanhi ng bagong mga ‘wave’ ng impeksiyon.
“Dapat i-advance na ang mga order para sa mga low dead space syringes, panatilihin ang pagbakuna sa mas maraming tao, at isulong pa ang mas agresibong information campaign para makamit natin ang tinatawag na herd immunity ngayong taon,” dagdag ni Marcos. VICKY CERVALES
481080 501451Id constantly want to be update on new content on this internet site, bookmarked! 579363