(Pinaaaprubahan na)13TH MONTH PAY SA JO, CONTRACTUAL GOV’T WORKERS

CONTRACTUAL WORKERS

ISINUSULONG ni Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar ang agarang pag-apruba sa kanyang panukalang batas na naglalayong bigyan ng 13th month pay ang lahat ng kawani ng pamahalaan maging ang tinaguriang job order (JO) at contractual employees.

Ayon sa ranking lady House official, malaking tulong ang nasabing insentibo sa libo-libong JO at contractual personnel, na ang karamihan ay ilang taon nang nagtatrabaho sa gobyerno, para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

“These temporary hires had been languishing in government agencies and state-owned corporations for several years, some even decades, and their work and competency could be akin with permanent hires,” sabi pa ni Villar kung saan iginiit niyang ang mga kawani na ito ay hindi rin naman naiba ang trabahong ginagampanan tulad ng sa regular employees.

“Despite their commitment and service to the public, they are not given full entitlements and are not entitled to legally mandated bonuses as prescribed by law especially accorded to regular state workers, such as those given during the middle and end of the year,” dagdag pa ng Las Piñas City lawmaker.

Sa kanyang inihaing House Bill 6541, nais ni Villar na makatanggap ng 13th month pay ang lahat ng mga kawani ng gobyerno na nakapagtrabaho ng hindi bababa sa tatlong buwan bago ang July 1 ng current fiscal year at bago ang nakatakdang pagbibigay ng 13th month pay.

Dagdag pa ng mambabatas, ang minimum amount ng 13th month pay ay hindi bababa sa kalahati ng monthly salary ng isang empleyado.’

ROMER R. BUTUYAN