(Pinadali sa bagong Agri-Agra Law)PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA

PALALAWAKIN at mapadadali ang pagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda matapos maging batas ang RA 11901 o ang “Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022.”

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, madali na ring maaabot ang sektor ng agrikultura at mas epektibo nang maisusulong ang kaunlaran sa kanayunan.

Principal author si Villar, chairperson ng Senate committee on agriculture and food, ng bagong Agra-Agri Law, na nag-lapse into law nitong Hulyo 29.

Pinasalamatan ng senadora sina Quirino Rep. Junie Cua, ang counterpart nito sa House of Representatives, at dating BSP Governor Benjamin Diokno sa pagsisikap na magawa ang naturang batas.

Itinatakda sa bagong batas na dapat maglaan ang lahat ng bangko, maliban na lamang sa mga bagong tatag, ng hindi bababa sa 25% total loanable funds sa agricultural at fisheries-related sectors kapag limang taon na silang nag-o-operate.

Inaasahan ding maghahandog ang mga bangko ng bagong financial products and services na angkop sa kailangan ng agricultural clients para sa cash flows and production cycles.

“They can comply with the credit quota by lending to rural community beneficiaries to finance agricultural and fishery-related activities,” ani Villar.

Aniya, puwede ring mamuhunan ang mga bangko sa securities kung saan gagamitin ang kita para pondohan ang mga ganitong aktibidad.

Parehong gagamitin ng Land Bank at Development Bank of the Philippines ang kanilang resources para mamuhunan, isulong ang digital banking technology, automation, branchless banking at cash agent operations upang maabot ang malalayong barangay at munisipalidad, at gamitin ang e-commerce at mobile phone applications sa rural public.

Patuloy nilang isinusulong ang savings at credit sa rural areas para sa coops, micro financial institutions, retail banks at rural at thrift banks na may minimal interest sa wholesale loans.

VICKY CERVALES