HINILING ni Deputy Speaker at Las Piñas City Rep. Camille Villar na madagdagan ang insentibong ibinibigay ng pamahalaan sa mga Filipino filmmaker na nag-aasam na magawaran ng prestihiyosong American and International Film Acamedy Award o ang Oscar Award.
Sa kanyang House Resolution No. 451, isinusulong din ng ranking lady House official na maglaan ng seed fund o kaya’y taasan ang alokasyon ng gobyerno sa ipinatutupad na Film Development Council of the Philippines (FDCP) Oscars Assistance Program.
Naniniwala si Villar na ang pagkakaloob ng mas malaking insentibo ay magbibigay ng inspirasyon at lalong magpapasigla sa hanay ng local movie producers.
Nabatid na sa ngayon ay aabot sa P1 million ang tulong na ibinibigay ng FDCP sa sinumang Filipino filmmaker na magkukuwalipika o nominee sa Best International Feature Film, na noo’y tinatawag bilang Best Foreign Language ng naturang international film academy award-giving body.
Subalit bukod sa maaaring hindi sapat ang nasabing halaga, kinakailangan din umanong magkaroon ng malinaw na polisiya ang FDCP sa kung sino ang dapat makatanggap ng financial support mula sa pamahalaan.
“There is a need to assess the overall situation of the Philippine cinema and movie industry, and if possible, create a seed fund or increase the allocation for the FDCP’s Oscars Assistance Program for the development and marketing campaigns of world-class Filipino films to be sent to the Academy,” sabi pa ni Villar.
Sa ilalim ng panukala, hinimok din ng Las Piñas City solon ang House Committee on Creative Industry and Performing Arts na alamin ang estado ng Philippine cinema at gumawa ng hakbang para muling buhayin at ibalik ang golden era ng Filipino film productions.
Matatandaan na ang official entry ng Pilipinas ay ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” ni Director Erik Matti para sa Best International Feature Film ng nakatakdang 95th Oscar Awards.
Ang naturang Pinoy movie ay nag-premiere sa 78th Venice International Film Festival noong Setyembre ng nakaraang taon at nasungkit ni actor John Arcilla ang Best Actor award sa pagganap bilang si Sisoy Salas. Binigyan din ng five-minute standing ovation ang pelikula sa Venice theater.
“The country has a vast supply of creative people who produced world-class and compelling films that won awards in various international film festivals such as Berlin, Venice and Cannes. Filipino actors and films also received similar recognitions from various film festivals like Cairo, Locarno, Montreal, Tallin, Warsaw and International Documentary Film Festival Amsterdam in The Netherlands, among others,” ani Villar.
“However, despite receiving several accomplishments in different international film festivals, the Philippines has yet to secure a nod or even a shortlist for the coveted Academy Awards or the Oscars,” dagdag pa niya.
ROMER R. BUTUYAN