PINAG-AARALAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapataw ng dag- dag na buwis sa mga imported na bigas upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.
Ito ay dahil ‘di hamak na mas mura ang halaga ng imported rice kumpara sa presyo ng mga lokal na bigas sa mga pamilihan.
Epekto ito ng pagpasok ng milyon-milyong metriko tonelada ng imported na bigas sa merkado na nagpabagsak naman sa presyo ng lokal na palay.
Noong nakaraang buwan ay nagsagawa ng imbestigasyon ang DA sa nasabing bagay.
“Pag-uusapan pa ng economic development managers,” wika ni Agriculture Secretary William Dar patungkol sa resulta ng imbestigasyon.
Samantala, pinayagan na ng DA ang National Food Authority (NFA) na magpalabas sa merkado ng 3.4 million sako ng bigas.
“That’s continuing. And they will be giving us the report by this weekend,” ani Dar, at idinagdag na maaaring ikonsidera ang non-tariff measures.
Si Dar at ang economic managers ng administrasyong Duterte ay nakatakdang magpulong sa Oktubre 24. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.