(Pinag-aaralan na ng DTI) TAAS-PRESYO SA BILIHIN

delata

NAPAPANAHON nang muling talakayin ang dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin, ayon sa Department of Trade and Industry ( DTI).

Ito’y kasunod ng pagtatapos ng 60-araw na price freeze noong Hulyo 9.

Sinabi ni Trade Usec. Ruth Castelo na pinag-aaralan na nila ang hirit ng mga manufacturer na 2 porsiyentong taas-presyo, kabilang na rito ang mga kompanya ng delatang sardinas.

May katumbas ito na P0.50 hanggang P1.50 na dagdag-presyo.

Napag-alaman na Setyembre 2019 pa huling pinayagan ang mga manufacturer na magtaas ng presyo dahil sa pandemya, pagputok ng Bulkang Taal, at mga bagyo noong nakaraang taon.

“Kasama talaga sa consideration natin na matagal na rin at marami na ring nangyari and marami na ring gumalaw doon sa mga components nila for production,” ani Castelo.

Dagdag pa ng opisyal, isinasaalang-alang din ng ahensiya ang sitwasyon ng mga manufacturer sa gitna na rin ng nagpapatuloy na pandemya.

6 thoughts on “(Pinag-aaralan na ng DTI) TAAS-PRESYO SA BILIHIN”

Comments are closed.