(Pinag-aaralan ng BFAR) FUEL SUBSIDY SA FISHERMEN

KINOKONSIDERA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkakaloob ng fuel subsidy sa mga mangingisda para mapalawak nila ang kanilang fishing activities sa West Philippine Sea.

Sa panayam sa “Dobol B TV”, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) chairman Vice Admiral Ramil Enriquez na may ilang mangingisda na napipilitang limitahan ang kanilang pangingisda dahil sa kakulangan sa pondo sa fuel supply.

“Ang ibang fishermen kahit maraming isda medyo alanganin sila dahil gagastos sila ng krudo medyo malayo-layo ‘yung lugar so lugi sa profit. Liliit ang kita nila,” sabi ni Enriquez.

Kaya nakikita, aniya, ng BFAR na dapat tulungan ang mangingisda na bigyan ng subsidiya ng krudo.

Bukod sa fuel subsidy para sa mga mangingisda, sinabi ni Enriquez na naglalagay rin sila ng sheltered ports sa Kalayaan Group of Islands upang tulungan ang mga mangingisda kapag masama ang panahon.

“Nababawasan ‘yung pangamba nila dahil mayroong puwedeng silungan kung sakaling masama ang panahon,” paliwanag niya.

Nang tanungin hinggil sa pangha-harass ng mga barko ng Tsino laban sa mga mangingisda, sinabi niya na wala pa silang natatanggap na ulat hinggil dito.

Sa kasalukuyan, 80 hanggang 90% ng Filipino fishermen na nangingisda sa  Palawan ay nagmula sa Navotas, Bohol, at Cebu.

26 thoughts on “(Pinag-aaralan ng BFAR) FUEL SUBSIDY SA FISHERMEN”

  1. 998072 410842Do you have a spam issue on this blog; I also am a blogger, and I was wanting to know your situation; we have developed some nice procedures and we are looking to swap methods with others, why not shoot me an email if interested. 311796

Comments are closed.