(Pinag-aaralan ng DA) SRP SA KARNE NG MANOK

POSIBLENG mag- patupad ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) sa karne ng manok sa mga pamilihan.

Ito’y makaraang tumaas ng halos P10 kada kilo ang karne ng manok at baboy sa ilang palengke kasunod na rin ng serye ng oil price hike.

Ayon kay DA spokesperson at Assistant Secretary Noel Reyes, kasalukuyan na nila itong pinag-aaralan para hindi na maapektuhan nang lubos ang mga konsyumer.

Nakiusap din si Reyes sa mga nagtitinda na huwag masyadong taasan ang patong sa kanilang mga paninda.

“Pakiusap naman natin ay ‘yung karagdagang presyo naman ay ‘wag naman masyadong kataasan dahil nga sana ay i-proportionate sa taas ng presyo ng gasolina,” aniya.

“Sinasabi natin tataas ang presyo pero ‘wag naman ganu’n kalaki,” dagdag pa niya.