KINOKONSIDERA ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng suggested retail price (SRP) sa ilang agricultural products para maprotektahan ang mga consumer sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo nito.
Kabilang sa mga produkto na posibleng patawan ng SRP ay ang baboy, sibuyas, at sugar products.
Tiniyak naman ng DA na kokonsultahin ang mga stakeholder bago ipatupad ang SRP sa naturang agricultural products.
“‘Yung mga producers po ay kausap natin, they know already. Sila mismoc nagsasabi sa atin na ang farm gate bumaba, ito gumalaw,” wika ni DA Undersecretary Kristine Evangelista
Bukod sa SRP, sinabi ng DA na pinag-aaralan din nito ang pag-aangkat ng sugar supplies para mapatatag ang presyo nito sa merkado.
“The amount of sugar will be discussed tomorrow with the stakeholders because we have to make sure first, we have a proper inventory kung ano yung ating supplies situation. What we’re looking at right now is the supply at hand,” sabi ni Evangelista.