(Pinag-aaralan ng DepEd) INTERNET ALLOWANCE SA TEACHERS

PINAG-AARALAN ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaloob sa public school teachers ng monthly Internet allowance para sa darating na school year sa ilalim ng ‘new normal’.

Ito ay makaraang manawagan ang isang grupo ng mga guro sa DepEd na bigyan ang halos isang milyong public school teachers ng tig-PHP1,500 allowance para sa Internet connection, na mahalaga umano para sa work-from-home arrangements at distance learning ng ahensiya.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kinikilala ng ahensiya ang ‘communication-based expenses’ ng mga guro sa kanilang pagtuturo, pag-abot sa mga magulang, pag-report sa kanilang mmediate supervisors, at pagsali sa training online.

“Kinikilala natin na iyan ay malaking gastusin ngayon in the delivery modalities in distance, remote, or blended learning (which) we’re going to implement come August 24,” ani Malaluan.

“Tinitingnang mabuti ‘yan ng DepEd in reviewing the allocation for budget and if there are portions where we can give support, we’ll do that.”

Noong Mayo 11 ay sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na maaaring gamitin ng mga guro ang kanilang chalk allowance bilang pambayad sa Internet connection fees. PNA

Comments are closed.