(Pinag-aaralan ng DOH) BAWAS-PRESYO PA SA 35 NA MGA GAMOT

Secretary Francisco Duque III

INAASAHANG madaragdagan pa ang bilang ng mga gamot na masasakop ng drug price cap na nakatakdang ipatupad ng pamahalaan sa bansa sa mga susu­ nod na buwan.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may 35 pang gamot ang kasalukuyan nilang nirerebyu upang mapasama sa pinal na listahan ng mga gamot na sakop ng Executive Order (EO) No. 104 sa Maximum Drug Retail Price (MDRP), na ni­lagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo ­Duterte at nagpapababa sa retail prices ng may 87 mamahaling gamot sa bansa, ng hanggang 58 porsiyento.

Nabatid na sa orihinal na panukala ng DOH ay 122 medisina ang dapat na kabilang sa second phase nang pagpapatupad ng MDRP.

Kabilang  rito ang mga panlunas sa hypertension, diabetes, heart disease, chronic lung diseases, at mga major cancer, gayundin ang mga mamahaling treatments para sa prematurity, chronic renal disease, psoriasis, at rheumatoid arthritis na hiniling ng mga pasyente at consumer organizations, gayundin ng ilang medical societies.

Gayunman, 87 medisina na may 133 formulations lamang ang napasama sa price ceiling nang ilabas ang EO, na inaasahang magiging epektibo matapos ang 90-araw.

“DOH, together with the Department of Trade and Industry (DTI) and stakeholders, was also tasked to review the price reduction of the remaining 35 drugs to finalize the list covered by the EO,” ani Duque, sa isang pulong balitaan kahapon ng umaga.

Inaasahan  din  ni Duque na higit na makikinabang sa price ceiling ang mga senior citizen at mga persons with disability dahil madaragdag lamang ito sa kanilang special discount.

“’Yun ang impact, immediate sa kanila. On top of their senior citizen discount, mayroon pa silang MDRP na mga halos kalahati ang mababawas,” ayon kay Duque.

Tiniyak din niya na kaagad na maglalabas ang DOH ng administrative order upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng EO, gayundin ay magpapakalat umano sila ng mga implementing guidelines sa mga stakeholders.

“Violations of the price caps will be dealt with in accordance with the Cheaper Medicines Act and other relevant laws together with the DTI and the FDA,” babala pa ni Duque.

Matatandaang noong Nobyembre 2019, iniulat ng DOH ang resulta ng Ulat ng Bayan Survey na isinagawa ng Pulse Asia, na nagpapakita na 99% ng mga Pinoy ang hindi na bumibili ng inireresetang gamot sa kanila dahil sa sobrang mahal ng mga ito.

Nakasaad din sa survey na 71% ng mga Pinoy ang handang gumastos ng mas mababa sa P1,000 para sa monthly supply ng kanilang gamot, habang 24% lamang ang handang gumastos para sa gamot ng P5,000 kada buwan.

“With the limited ability of many Filipinos to support even their basic needs, how can they even pay for expensive medications which could amount to Php 5 million to treat cancer, for example? We cannot accept these sky-high prices as the norm. The industry and health institutions must be socially responsible and ensure that medicines are within reach of the ordinary Filipino. All of us should be sincere in providing fair and affordable access to medicines. The health of our people is primordial over business interests,” ani Duque.

Nabatid na ang ­unang MDRP ay ipinatupad noong 2009 at limang medisina lamang ang napabilang ditto. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.