(Pinag-aaralan ng DOLE) TEMPORARY DEPLOYMENT BAN SA SAUDI

DOLE-2

PINAG-AARALAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng temporary deployment ban sa Saudi Arabia kasunod ng mga ulat na pagmamaltrato sa overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Ayon kay DOLE-Information and Publication Service (IPS) director Rolly Francia, may 16 OFWs ang umano’y inabuso ng kanilang employer, na isang retired military general sa Saudi Arabia.

Dalawa sa 16 OFWs ay nananatili umano sa quarters ng general habang ang iba ay nakauwi na.

Kasalukuyan nang nakikipagnegosasyon ang pamahalaan para mailigtas ang nalalabing OFWs.

“Kung hindi maisasaayos ng foreign employers ang kanilang pagpapalaya (sa mga OFWs), baka mapilitan ang ating pamahalaan na muli na namang i-suspend ang deployment sa Saudi,” he sabi ni Francia.

“Sana hindi umabot sa ganyan kaya nakikiusap ang pamahalaan sa employers to facilitate ‘yon pong pagkuha sa ating natitirang kababayan na nandoon sa employer ng general sa Riyadh,” dagdag pa niya.

123 thoughts on “(Pinag-aaralan ng DOLE) TEMPORARY DEPLOYMENT BAN SA SAUDI”

Comments are closed.