PINAG-AARALAN na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa ilan pang matataong lugar sa bansa.
Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., gagawin ito sa mga terminal, istasyon ng tren at maging sa expressways.
Maging si Transportation Secretary Arthur Tugade ay nagbigay na ng bilin sa Toll Regulatory Board (TRB) para rito.
Nakikipag-usap na rin ang DOTr sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa pagbabakuna sa mga driver at operator.
Ipinatutupad ang ‘no vaccine, no ride’ policy sa mga pampublikong sasakyan hanggang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila. DWIZ 882