PLANO ng Depart ment of Trade and In dustry (DTI) na magla gay ng suggested retail price (SRP) sa imported rice.
Naniniwala ang mga awtoridad na dapat na bumaba pa ang retail prices sa pagpapatupad ng Rice Tariffication law na nagpapahintulot sa unlimited importation ng bigas.
“Kapag marami na ang [imported] bigas, pag-aaralan natin kung puwede tayong magpataw ng SRP,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang panayam sa radyo.
Sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa Commonwealth Market sa Quezon City, ang ilang well-milled varieties ay ibinebenta ng hanggang P45 kada kilo.
“Ang inaasahan po namin, mas marami nang nagtitinda ng P34-P37 na bigas,” ani Lopez.
Aniya, ang retail prices ng bigas ay hindi pa bumababa dahil hindi pa inilalabas ng ilang importers ang kanilang stocks sa merkado.
“Kaya siguro ganito ang presyo dahil hindi pa inilalabas lahat ng in-import na bigas,” anang kalihim.
Ang farmgate price ng palay ay bumagsak sa hanggang P7 kada kilo makaraang ipatupad ang rice tariffication law.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, magmula nang aprubahan ang Rice Tariffication law noong nakaraang Paebrero, may 2.4 million metric tons ng imported rice ang nakapasok na sa bansa subalit hindi lahat ay naipalabas na sa merkado.