(Pinag-aaralan ng DTI)SRP SA SCHOOL SUPPLIES

Ang DTI ay nag-iisyu lamang ng SRPs para sa basic commodities tulad ng bigas, canned goods, asukal, at iba pang mga pangangailangan sa bahay.

“Ang school supplies ay hindi basic, so hindi natin sila nire-regulate,” pahayag ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa state television PTV.

“We’ll see in the coming days kung ilalabas po namin ang bulletin for balik-eskwela (back to school) products,” aniya.

Hindi pa naglalabas ang DTI ng bagong SRP bulletin sa basic goods dahil masusi pang pinag-aaralan ng ahensiya kung kinakailangan ang taas-presyo sa anumang basic necessity.

Ayon kay Castelo, kabilang sa mga produkto na humiling ng price hike ang Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

Aniya, P4 ang inihihirit na dagdag-presyo sa Pinoy Tasty at Pinoy Pandesal.

“Mayroon tayong pending requests pa from January and then May pero hindi po talaga natin sila pinagsasabay-sabay lalo na kung malaki ‘yung approved request nila dahil ito ay masyadong mabigat para sa mga consumers,” sabi pa ni Castelo.