(Pinag-aaralan ng gobyerno) PETROLEUM RESERVES

PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang pagkakaroon ng petroleum reserves upang maibsan ang epekto ng problema sa pandaigdigang supply at presyo ng produktong petrolyo.

“Malaki pong investment ito and then second po, iyon po kailangan may detailed feasibility studies po para makita po natin, kailangan po talaga dapat na mag-stock tayo ng oil, paano po iyong withdrawals, sino po iyong mga priority sectors,” wika ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Iniinda na ng iba’t ibang sektor, higit ng mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan ang walang humpay na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Nitong Martes ay ikinasa ng mga kompanya ng langis ang ika-7 sunod na linggo ng oil price hike.

Sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo ay humihirit ang sektor ng transportasyon ng dagdag-singil sa pasahe subalit hindi sila mapagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil iniiwasan nitong dagdagan ang pasanin ng mga commuter sa gitna ng pandemya.