KINOKONSIDERA ng pamahalaan ang pagkakaloob ng targeted subsidy sa agricultural sector, ayon sa isang opisyal ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Sinabi ni Undersecretary Rosemarie Edillon na sa ngayon, plano ng NEDA na magkaloob ng tulong pinansiyal sa mga magsasaka dahil hindi pa nito kaya ang across the board na subsidiya.
“Ito nga po iyong inaano namin na kailangang mayroon tayong targeted din na subsidy — puwedeng targeted subsidy sa mga farmers. Kaya ang naging subsidy natin is in terms of iyong sa production nila, iyong fuel subsidy kasi doon talaga sila tinamaan dito eh, sa fuel, sa fertilizer. Tapos iyon ding assistance para sa mechanization (We really need a subsidy targeted at farmers. This subsidy is meant for their production, like fuel subsidy because that is where they need it most, for fuel and fertilizer),” sabi ni Edillon sa isang news forum nitong Sabado.
Bukod sa mga magsasaka, kinokonsidera rin, aniya, ng gobyerno ang pagtarget sa mga consumer sa lower income classes sa pamamagitan ng food stamps mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“Pero iyon nga, dapat targeted kasi hindi naman natin kakayanin na, you know, subsidized na kumbaga across the board, ganito lang kababa dapat iyong presyo,” sabi pa ni Edillon.
Binanggit din niya ang pagbaba sa unemployment sa 3.1 percent noong December 2023 mula sa 4.3 percent sa kaparehong buwan noong 2022.
“And another good result is that the biggest job creation was in the industry sector — almost 900,000 jobs in the industry sector, followed by agriculture at 500,000, and then services at 100,000. So, this is exactly the kind of profile that we want, that many will be coming from the industry sector,” aniya.
Dagdag pa niya, sa industry sectors, ang construction at manufacturing ang nakapag-ambag ng pinakamaraming trabaho.
Tinukoy rin niya ang bumuting Labor Force Participation Rate (LFPR) sa 66.6 percent o 52.13 million Filipinos na may edad 15 at pataas na employed o unemployed.
Samantala, ang headline inflation noong January ay bumagal pa sa 2.8 percent, ang pinakamababang level nito magmula noong October 2020.
“Talaga pong pababa ang ating trend. And actually, almost all sectors po nag-decline iyong inflation natin. Ang isa lang medyo sticky iyong rice and it’s really because ang taas ng bilihan ng palay noong fourth quarter of last year so you would expect also na kapag iyong bigas, magiging mataas din,” ani Edillon.
“That is what we are seeing. Overall food inflation, it actually went down, so that is another piece of good news, except for the rice again,” dagdag pa niya.
(PNA)