(Pinag-aaralan ng gobyerno) TRAVEL BAN SA JAPAN, ITALY, IRAN

Karlo Nograles

PINAG-AARALAN  ng pamahalaan ang posibilidad na pagpapatupad ng travel ban sa  tatlo pang bansa na naapektuhan ng coronavirus outbreak.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, pinag-aara­lan ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang sitwasyon sa Japan, Italy at Iran kasunod ng mabilis na pagdami ng  kaso ng  COVID-19.

“Ayoko pangunahan, but obviously the Task Force is looking at these two countries (Japan and Italy) as well,”  pahayag ni Nograles sa CNN Philippines.

Sinabi ni Nograles na mabilis ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na sa Iran at Italy at hindi  puwedeng balewalain ito dahil maraming Filipino  ang naninirahan sa mga nasabing bansa.

Mayroon nang 655 na kaso ng COVID-19 sa Italy at 17  na ang nasawi habang 245 ang kaso sa Iran at 26 na  ang nasawi habang ang Japan kung saan nakadaong ang cruise ship na Diamond Princess  ay  naitala ang 214 na kumpirmadong  kaso.

Nauna nang ipinatupad ang travel ban para sa turistang Filipino sa South Korea na siya ngayong may pinakamataas na kumpirmadong COVID-19 cases  kasunod ng China. CNN PHILIPPINES

Comments are closed.