(Pinag-aaralan ng Marcos admin)PAGPAPALAWIG SA CARS PROGRAM

bong bong marcos

TOKYO, Japan- Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Mitsubishi Motors Corporation na pinag-aaralan na ng kanyang administrasyon ang iminungkahing pagpapalawig sa programang Comprehensive Automotive Resurgence Strategy (CARS).

Sa kanyang pakikipagpulong sa executives ng Mitsubishi, sinabi ni Pangulong Marcos na isinasagawa ang isang pag-aaral na nakatuon sa layuning hikayatin ang pamumuhunang ito na aniya’y maituturing na “industrial and high-end manufacturing operation”.

“It is something that would be important to the Philippines because we are trying to encourage now… both for local businesses and businesses from other countries and businesses from Japan… we are trying to encourage this capital investment to improve the share of manufacturing contribution to the GDP (gross domestic product),” ipinunto ng Pangulo.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos na tila ito ang direksiyon na tinatahak ng Pilipinas para sa balanse ng ekonomiya.

“Right now, services is a large majority of the contribution to GDP, which is alright, and we want to keep that going. But we want to balance the contribution from different sectors of the economy,” sabi ng Pangulo.

Kasalukuyang naka-enroll ang Mitsubishi Motors Philippines Corporation (MMPC) at Toyota Motor Philippines (TMP) sa CARS program ng bansa, na nag-aalok ng mga insentibo para sa mga manufacturer na gustong mag-assemble ng mass-market na mga kotse sa loob ng bansa.

Sa ilalim ng CARS program, ang mga kalahok na carmakers ay binibigyan ng anim na taon upang sumunod sa pinakamababang dami ng target na benta na 200,000 unit bawat isa para sa kanilang mga naka-enroll na modelo ng kotse para makuha nila ang kanilang mga insentibo.

Kinilala naman ng Mitsubishi ang Pilipinas na isa sa pinakamahalagang merkado para sa kompanya at nagpahayag ng pangako na isulong ang isang green energy factory kasama ang solar rooftop project nito.

EVELYN QUIROZ