KINUMPIRMA ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroon nang mga request para sa price adjustment ng iba’t ibang produkto.
Sa isinagawang inspeksiyon sa ilang pamilihan, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na pinag-aaralan pa ito ng Consumer Protection and Advocacy Bureau.
Pagtiityak naman ni Castelo na dadaan ito sa masusing pag-aaral at kung anuman ang magiging rekomendasyon ay isusumite kay DTI Secretary Fred Pascual.
Kabilang sa mga may request sa price adjustment ay may delatang sardinas, kape, noodles at iba pa.
Kasama rin sa hirit na price adjustment ang tinapay gaya ng pandesal, lalo’t pinakamasigasig, aniya, ang nagsusulong ng dagdag-presyo rito pero hindi pa aprubado.
Ang price hike ay dahil sa pagmahal ng harina lalo’t imported ang wheat o trigo, at bagama’t may mabigat na dahilan, sinabi ni Castelo na kailangang pag-aralang mabuti ang price adjustment at hintayin ang iba pang mga datos.