ANG limang Delta variant cases na naiulat sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ay hindi dulot ng local transmissions.
Ayon kay Dr. Eduardo Janairo, regional director ng Department of Health (DOH)–Calabarzon, iniimbestigahan pa nila sa ngayon ang pinagmulan ng mga kaso.
Ani Janairo, mayroong limang napaulat na kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa naturang mga kaso, tatlo ang naiulat noon pang Abril ng National Epidemiology Center (NEC).
Dalawa rito ang mula sa Cavite at isa ang mula sa Batangas.
Pagkaklaro naman ni Janairo, ang tatlong kaso ay hindi mula sa komunidad kung saan sila nakatira at sa halip ay mga overseas Filipino worker (OFW), na umuwi lamang sa kanilang tahanan matapos silang maisailalim sa quarantine at makumpirmadong negatibo na mula sa sakit.
“We have five reported cases and of the five cases, three Delta variant cases were reported last April by the National Epidemiology Center – two from the province of Cavite at one from the province of Batangas,” ani Janairo. “These three cases were not from the community where they reside, but they were actually OFWs and two were from the Middle East who eventually went to their place of residence after their being quarantined and they were already confirmed negative of the virus.”
Aniya, ang dalawang bagong kaso naman ng Delta variant ay mag-ama na mula Calamba City, Laguna, na nagkaka-edad ng 58 at 29.
Iniimbestigahan pa kung paano nahawa ng Delta variant ang mga ito.
Idinagdag naman ni Janairo na nagsasagawa na ng contact tracing activities ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), sa koordinasyon sa lokal na pamahalaan ng Calamba City.
“Nag-meeting na sila with local government at may mga contact tracing na ngang ginagawa sa ngayon, dahil initially ang exposure ay sa 3 tao ‘yung katulong, ‘yung household helper, ‘yung isa pang kapatid at may isa pang kasambahay doon na na-expose pero mga negative naman sila raw,” aniya. “Importanteng malaman natin kung ilan talaga ang kaso ng Delta variant sa region, paano ito i-contain upang hindi na kumalat at dumami pa ang kaso.”
Nanawagan din si Janairo sa mga mamamayan na maging maingat lalo na ngayong may presensiya na ng Delta variant sa rehiyon.
Hindi rin aniya dapat na magpanik ang mga ito at sa halip ay hinikayat na magpabakuna na upang maprotektahan laban sa COVID-19.
“We have to be very careful now that we have identified the presence of the Delta variant in the region. I encouraged all residents to strictly follow health protocols and avoid unnecessary movement outside of your residence to avoid contracting the virus,” dagdag pa ni Janairo.
“Hindi po natin kailangang mag-panic, Ang kailangan po nating gawin ay doblehin ang pag-iingat upang makaiwas at makinig sa mga anunsyo at alintuntunin ng mga lokal na pamahalaan,” aniya pa.
“Nananawagan din po ako sa mga residente na kasama sa priority list at hindi pa nabakunahan na magpalista na upang makatanggap ng bakuna laban sa covid dahil ito ay magsisilbing dagdag proteksiyon laban sa Covid virus,” aniya pa. Ana Rosario Hernandez
711373 835876I really delighted to discover this web website on bing, just what I was seeking for : D besides saved to bookmarks . 927041
139321 50318As I internet web site possessor I believe the content matter here is rattling fantastic , appreciate it for your efforts. You must maintain it up forever! Very good Luck. 800776
83532 418944Hey there. I want to to ask slightly somethingis this a wordpress web log as we are preparing to be transferring over to WP. Additionally did you make this template all by yourself? A lot of thanks. 954615
170230 747000Oh my goodness! an incredible post dude. Thank you Nonetheless Im experiencing challenge with ur rss . Don know why Unable to subscribe to it. Is there anyone finding comparable rss drawback? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 100484
659871 126228This internet internet site is generally a walk-through its the data you wished concerning this and didnt know who ought to. Glimpse here, and you will certainly discover it. 125631